Andi Eigenmann, pinatunayan ang kanyang husay sa paglilinis at pagluluto ng isda na natutunan nya sa kanyang pamumuhay sa probinsya

Kapag usapang simpleng pamumuhay, isa sa mga artista na kilala sa pamumuhay ng payak kasama ang kanyang pamilya ay si Andi Eigenmann.



Credit: Happy Islanders Youtube

Mula nang magsama sila ng kanyang partner na si Philmar Alipayo gayundin ang kanilang anak na si Baby Lilo, sunod sunod ang mga naging balita at updates tungkol sa kanilang buhay sa Siargao island.

Credit: Happy Islanders Youtube

Isa sa mga vlog content ni Andi ay ang kanilang pagstay at pagluluto sa Greenhouse sa Siargao island. Mula sa pamimingwit ng mga isda, paglilinis at pagluluto nito ay ipinakita ni Andi sa kanyang vlog.

Credit: Happy Islanders Youtube

Kasami ni Philmar ang mga kaibigan nila sa isla, namingwit sila ng mga isda at nakapamingwit si Philmar ng dalawang isda.



Credit: Happy Islanders Youtube

Matapos nito, mismong si Andi ang naglinis ng mga isda. Ang sangkalan na ginamit ay mismong bato na nasa ilog na pinaglilinisan ng isda. Hindi ba’t nakakabilib nga naman talaga ang ganitong simpleng buhay?

Credit: Happy Islanders Youtube

Nakakatakam nga naman nang ipakita ni Andi ang kanyang pagluluto ng Pinaksiw na isda. Hinaluan nya ito ng sibuyas, sili at ang napakasarap na suka ng Siargao. Kapag kumukulo na ito ay nilagyan niya rin ito ng kaunting mantika para maging mas masarap pa ito.

Sabay sabay naman nila itong pinagsaluhan ni Philmar at ng mga kaibigan nila na taga Siargao.

Hangang hanga naman ang mga netizens kay Andi.

“andi is such a humble person, appreciate of things she had, walang arte,God will always blessed you talaga. and most of she’s learning bisaya na pud”

“Too much money is not important for relationship. Love is not about money&going to fancy places or showing off, it’s about being with a person that makes u happy in a way nobody else can”



Credit: Happy Islanders Youtube

“Ang swerti ni Philmar kay Andi. Knowing Andi is from famous showbiz family pero she give up the city life and piniling mamuhay sa isang probinsya. A total opposite of her previous life.”

“I admire Andy so much with her decision. I never experienced living in a province. Your heart desire to live a simple life will forever make you happy and contented.”

The post Andi Eigenmann, pinatunayan ang kanyang husay sa paglilinis at pagluluto ng isda na natutunan nya sa kanyang pamumuhay sa probinsya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments