Bangs Garcia, ibinahagi ang excitement sa nalalapit na pagdating ng kanilang 2nd baby girl

Lubos ang kasiyahan ni Bangs Garcia sa kanyang buhay ngayon. Bukod sa kanyang natamasang rurok ng tagumpay sa showbiz, mas nagtagumpay din naman siya sa kanyang pamilya.

Happily married couple na si Bangs sa kanyang hubby na Filipino-British Businessman na si Lloyd Birchmore.



Credit: @valeriebangsgarcia instagram

Nabiyayaan naman sila ng baby ni Lloyd noong 2017 na si Baby Amelia. Mas sumigla at naging masaya ang kanilang buhay lalo na at meron na silang bubbly baby na mas nagbibigay ng kulay sa kanilang buhay.

Credit: @valeriebangsgarcia instagram

At ngayong 2020, may panibago na namang regalo ang mag-asawa mula sa langit. Dahil panibagong bouncing baby na naman ang aabangan nating lahat sa kanila.

May pasilip na si Bangs sa mga netizens sa kanilang future baby dahil mayroon siyang pictorial at photo shoot sa same spot kung saan siya nagkaroon ng maternity photoshoot noong 2017.



Credit: @valeriebangsgarcia instagram

“Cannot wait to meet my second princess in a few weeks!!!❤ Take a look at my other photo : I had a maternity photoshoot in 2017 beside this tree and the other one is a current casual photo taken just last week. So cute that they were both taken in the exact same spot but different babies inside my belly.😄 Btw, I’m also excited to share with you my proper maternity photos for this pregnancy!😃(Hopefully next week) #9monthsPregnant #36weeks,” saad ni Bangs sa IG.


Excited na rin si Bangs na makita ang kanilang ikalawang baby. Panibagong prinsesa na naman ang magbibigay ng ngiti kina Bangs at Lloyd.

Credit: @valeriebangsgarcia instagram

Mayroon ng baby sister at kalaro si baby Amelia. Ilang araw na lang at makikita na natin ang kanilang 2nd princess. Nasa 9 month na rin sila ng kanilang pagbubuntis kaya naman todo ingat din si Bangs at Lloyd sa kanya.



Credit: @valeriebangsgarcia instagram

Maging mga netizens ay super excited narin na makita si Baby na siguradong napaka cute gaya ng kanyang kapatid.

The post Bangs Garcia, ibinahagi ang excitement sa nalalapit na pagdating ng kanilang 2nd baby girl appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments