Hindi nga naman talaga nasusukat sa ganda ng bahay, dami ng pera, ari-arian at mga kagamitan ang kasiyahan ng tao. Maaring makapagbigay ito ng kasiyahan pero di naman sigurado kung hanggang kailan ito magtatagal.
Gaya na lamang ni Andi Eigenmann na talagang pinili ang simpleng buhay sa probinsya kapalit ang marangyang pamumuhay dito sa syudad dahil ito ang nakikita nyang makapagbibigay sa kanya ng pangmatagalang kasiyahan.
Sa isang socmed post ay ibinahagi nya ang kanyang kwento at dahilan kung bakit ito ang kanyang naging desisyon.
Na-realize ko lang na itong lugar na ‘to, dito ako nababagay. I sold everything that I felt was an idea of luxury that I…
Posted by Andi and Philmar on Friday, June 5, 2020
“Na-realize ko lang na itong lugar na ‘to, dito ako nababagay. I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didn’t need. I don’t own cars, any designer clothes, bags—lahat ng mga pang-artistang ‘yan, makeup, lahat ‘yan wala na. Kahit mga kasama sa bahay, yaya, driver, wala na lahat”, saad ni Andi sa kanyang post.
Sadyang tinalikuran na talaga ni Andi ang marangyang pamumuhay para mas magkaroon sya ng simpleng buhay sa probinsya kasama si Philmar at kanyang mga anak. Maganda nga naman itong halimbawa sa iba at makikita na ang kasiyahan ng tao ay di lamang nakukuha sa mga mamahaling mga bagay.
Kaya naman maraming mga netizens din ang nagpaabot ng pag sang-ayon at suporta sa naging desisyon na ito ni Andi.
“Ganitong babae yung pinaka rare sa mundo.. piniling mabuhay ng simple at masaya dahil yun ang tunay n kaligayahan bilang tao. At hndi sa kayamanan.. sana dumami pa tulad mo”
“You are a great inspiration Andi! Everyone should make a life, not a living.”
“And you look prettier now, Andi. Without all those luxuries. Happiness is really priceless.”
“ang swerte mo , nkakawala ka sa tanikala ng realidad, mas mayaman ka pa kay bill gates dahil meron kang kalayaan na hinahangad ko matagal na , sana ol .”
“I remember ypu entered pbb house and that you dont even know how to clean plates. And now seeing you making bowl out of coconut shell is true essence of happiness.”
The post Andi Eigenmann, isiniwalat kung ano ang mga bagay na kanyang tinalikuran para sa isang simpleng pamumuhay appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments