Silipin ang backyard farm ni Shamcey Supsup na nagamit pa ang mga tanim nito para maipamahagi sa mga kababayan

Bata pa lang tayo, natuturuan na tayo noon sa elementarya ng kahalagahan ng pagtatanim. Maaaring noong bata tayo ay hindi pa natin masyadong maintindihan kung bakit tinuturo ito. Basta’t ang naiisip lang natin ay ayaw natin ito dahil nabibilad tayo sa arawan.



Credit: @supsupshamcey instagram

Pero, ang mas mahalaga nating dapat malaman ay kung gaano nga ba kahalaga ang sektor ng agrikultura at pagtatanim sa atin. Ang halaga nito ay mas napatunayan ngayong tayo ay nasa enhanced community quarantine.

Credit: @supsupshamcey instagram

Gaya na lamang ng ibinahagi sa atin ni Miss Universe 2011 3rd runner up na si Shamcey Supsup. Ibinahagi niya sa kanyang IG ang kanilang backyard farm.

Credit: @supsupshamcey instagram

“You reap, what you sow” LITERALLY 😝 Prior to moving to Manila, I lived in a farm. We would never run out of food to eat. Everything is available in our backyard, from vegetables, to fruits and even meat. I remembered, we would only go to the supermarkets, once a month!,” kwento ni Shamcey.



Credit: @supsupshamcey instagram

Ayon kay Shamcey, namiss niya talaga ang pagtatanim dahil nakalakihan na niya ito. Kaya ngayon, kahit nasa siyudad ay gumawa siya ng taniman kahit maliit lang ang espasyo nito.

Credit: @supsupshamcey instagram

“Our backyard here may not be as big as the ones at home, but I’m still grateful we get to grow food. Our harvest from our little backyard farm became part of the 1000+ meals sent to our frontliners and essential workers thru @byahengbusog,” dagdag pa ni Shamcey.


Nakakabilib nga naman talaga si Shamcey. Isang beauty queen pero nalalaman niya ang kahalagahan ng pagtatanim. Ngayong ECQ, malaking tulong ito dahil masisiguro natin ang kaligtasan ng ating mga kinakaing gulay. Isa pa, nakakatulong pa tayo sa kalikasan.



Credit: @supsupshamcey instagram

“This post is dedicated to my dad, a farmer and to my mom, who always loved the farm life 🤗 🤗 🤗,” mensahe na hatid ni Shamcey sa kanyang mga magulang.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments