Sa isang panayam ng DZRH radio program via Zoom kay Spencer Reyes nitong nakaraang Mayo 11, lunes ng gabi ay napag-alamanan natin na ang dati palang miyembro ng streetboys na si Spencer Reyes ay nagtatrabaho na ngayon bilang isang bus driver sa Scotland.
Kung dito sa Pilipinas, ay tila mababang propesyon ang isang Bus Driver ibahin natin sa United Kingdom dahil doon pala ay isa sa mataas na posisyon sa lipunan ang isang bus driver dahil bago ka matanggap sa trabahong ito ay maraming pagsusulit o examination kang pinagdadaanan.
Para sa kaalaman nating lahat, may apat na parte ang United Kingdom. Ito ay ang England, Scotland, Wales at Northern Ireland. Ayon sa dating streetboy dancer, taong 2008 ng magdesisyon siyang pumunta sa England at doon siya nagtapos ng pag-aaral sa kursong nursing. Kasama naman ang kanyang buong pamilya, lumipat si Spencer at ang pamilya nito sa Scotland taong 2014.
Sa Scotland, nagsimula muli si Spencer ng panibagong pag-aaral kung saan ay nag-aaral siya rito ng Electrical engineering, Heating at Plumbing sa isang vocational school. Matapos nga nito ay nag-apply na si Spencer bilang isang Bus Driver. Ibinahagi naman ni Spencer ang mga pinagdaanan niya bago siya nakuha bilang isang bus driver.
At ayon nga sa dating streetboy dancer at aktor ay hindi madali ang kanyang pinagdaanan bago ma-hired bilang bus driver. “Napakahirap pumasok as bus driver. You need to do examinations, kasi may license dito ang kotse.”
Kwento oa nga ni Spencer talagang pag pumasa ka umano sa naging exam sa pagiging isang bus driver ay talagang mapapacelebrate ka, dahil talagang mag-aaral ka ng husto ng isang makapal na libro.
Bago nga siya nakuha bilang isang bus driver, ay muling kumuha si Spencer ng license para sa pagmamaneho ng bus at hindi lang yan dahil muli siyang nag-aral ng six months at saka nag-review muli. “Kailangan kumuha ako ng another license for bus.
I need to study again for almost six months, review again.” saad nga ni Spencer. Ayon pa nga kay Spencer, isa sa mga kailangan ipasa ang exam para matanggap bilang bus driver ay ang Hazard and Theory, at may iba pang 10 online test na kailangan mo pang ipasa.
“Pag hindi mo mapasa isa doon, hindi ka magiging bus driver.” Kailangan din umano na saulo mo ang pasikot sikot at lahat ng parte ng Scotland, kaya dapat okey ang memory mo dahil isang beses lang ituturo ang mga ito.
Pahayag pa nga ng dating aktor, halos magdadalawang-taon na siyang bus driver sa Scotland, kaya naman talagang kabisado na niya ang halos lahat ng pasikot-sikot at lugar dito.
At kahit pa nga ba sa panahon ngayon na, nakalockdown ang Scotland dahil sa banta ng Covid-19 ay patuloy pa rin ang trabaho ni Spencer bilang isang frontliner na nagmamaneho ng bus na naghahatid sa mga health workers. “Ako yung naghahatid ng mga nurse na nagtatrabaho sa hospital.”
Inamin naman ni Spencer na may mga pagkakataon na namimiss niya rin ang buhay niya noon sa showbiz, kaya naman may mga pagkakataon pa rin hanggang ngayon na sumasayaw pa rin siya kasama ang dati rin niyang kagrupo na si Michael Sismundo kapag naiimbitahan sila sa mga activities ng Pinoy community.
Binalikan rin ni Spencer ang dating magandang pagkakaibigan nila ni Ice Seguerra, kung saan ay tila naging loveteam niya ito noon. “Minahal ko siya as a friend, kasi lagi kami magkasama nun e.”
“Nagkaroon ng konting nadevelop, pero alam mong lalaki siya kaya mabibigo ka lang.” Ibinahagi rin ni Spencer kung paano siya nadisplina ng dating niyang manager na si Direk Chito Roño pagdating sa perang kinita nila at nagpapasalamat siya dito dahil kung hindi daw ito naging disiplina noon sa kanila ay malamang na ubos na at walang napuntahan ang kinikita niya noon sa pag-aartista.
Source: Famous Trends
0 Comments