Ano nga ba ang naging pampalipas oras mo ngayong community quarantine? Malamang ay food trip, social media, internet, o maging Netflix ang takbuhan mo.
Wala kang pinagkaiba kay Paula Dahlia Mendoza, 28 taong gulang mula Makati. Isang Financial Advisor, Motivational Speaker at Head ng Lazada Peers.
Nakilala din siya bilang isang ‘First Filipino Traveler’ na na-feature sa History Channel sa loob ng 3 buwan.
Ngayon, panibagong record naman ang kanyang nakamit dahil nagtala at nakakumpleto siya ng 20 Ivy League at Global University Courses.
Kwento niya, gusto niya daw talaga maging productive at tila nahumaling na siya sa pagaaral kaya iyan ang naging resulta nito.
Ayon kay Paula, isa siya sa mga nawalan ng trabaho dahil sa ECQ. Nagsawa na din naman siya sa kanyang daily routine gaya ng Netflix kaya ang pag-aaral ang kanyang ginawa.
Kaya naman, napagdesisyunan niyang mag enroll sa mga online courses para mas marami din siyang matutunang bago na magagamit niya sa kanyang susunod na magiging trabaho.
Inumpisahan niya ito noong 2nd week of April hanggang 2nd week of May. Sa loob ng isang buwan ay natapos niya ang mga online courses na ito.
Tutok na tutok talaga siya mula tanghalian hanggang madaling araw. Isa sa mga pinakamahabang kursong kanyang kinuha ay umabot ng 2 araw.
Isa sa kanyang mga pinaka gustong kursong nakuha ay ang ‘Achieving Personal and Professional Success’ mula sa IVY League, The Wharton School of the University of Pennsylvania.
Ibibahagi din niya ang aralin na gustong gusto dito na “Does Success Equal Happiness?”
Focus ni Paula ang mga paksa ukol sa leadership, marketing, strategic management at personal development.
Bawat aralin ay may mga quizzes, final examination, case study, peer assignment, lectures at isang totoong professor sa video na magtuturo at gagabay sa pag-aaral.
Kaya naman, nais din ni Paula na hikayatin ang bawat isa lalo na ang mga kabataan na gamitin ang kanilang oras sa ECQ sa pag-aaral para mas maging produktibo ngayon.
Source: Trending Planet
0 Comments