Silipin Ang Tropical Home Inspired Na Bahay Ng Aktor Na Si Coco Martin

Masasabi nga naman natin na ang tahanan ng bawat isa sa atin, karamihan ay naipundar sa pamamagitan ng ating pagtitiyaga at pagsisikap sa trabaho.




Hindi nga naman biro ang makapagpatayo ng isang tahanan sa panahon ngayon, lalo na kung talagang ang susundin mo ay nais at pangarap mo na maging disenyo at itsura nito ay aabutin ng ilang taon bago mo masabi na buo na at tapos na ang tahanan na iyong binubuo.

Image Credit via Google

Tulad na lamang ng aktor na si Coco Martin, alam niyo ba na halos tatlong taon din ang ginugol ni Coco sa pagbuo ng kanyang tahanan sa Quezon City.

Image Credit via Google

Matatagpuan ang tahanan ng aktor, sa isang eksklusibong subdibisyon sa Quezon City. Sa tahanan niyang ito, ilan lamang sa mga makikita ay ang mga designer pieces, works of arts at ang malaparaisong tanawin sa bakuran nito.

Image Credit via Google

Ayon sa isang panayam ng YES! Magazine sa aktor, ibinahagi nito na nais niyang matapos at mabuo ang kanyang tahanan ng hindi siya nanghihiram ng salapi sa bangko. Kaya naman talagang pinag-ipunan niya ito mula sa kinikita niya sa kanyang mga proyekto bilang isang artista.

Image Credit via Google

“Ang tagal ginawa ‘ang bahay, kasi ipon, ipon, ipon. Kasi dahan-dahan lang, ayoko kasing biglain. Natakot naman akong mangutang sa bangko, kasi alam mo naman ‘yong work natin – minsan okey, ‘tapos biglang mawawala. Sabi ko, pagni-loan ko ‘to, baka hatakin sa ‘akin. ‘Yon yung pinakamasakit na mangyayari sa buhay ko.”

Image Credit via Google

Noong una ay hindi pa gaanong malawak ang lupain ng aktor na kinatitirikan ng kanyang bahay, pero ngayon ay umabot na sa 2000 sq.m ang lawak nito matapos niyang bilhin ang katabing lote nito.

Image Credit via Google

Sinigurado rin ng aktor na ang mga kagamitan at kasangkapan na gagamitin sa kanyang tahanan ay nababagay sa pinaglalagyan nito at naaayon sa kung ano ang nais niya tulad na lamang ng ibang home-owners.

Image Credit via Google

Para rin kay Coco, tila isang puzzle ang pagpapatayo ng bahay hindi ito natatapos sa pagpapatayo lamang, dahil paunti-unti o paisa-isa ay may idinadagdag kang mga kagamitan dito.




“Kasi ang bahay, hindi natatapos sa pagpapatayo lang, e. May mga maliliit na details. Kunyari ‘yong mga gamit, ilalagay mo sa lahat, paisa-isa, e. Parang puzzle, binubuo-buo mo siya,” saad ni Coco.

Image Credit via Google

Tunay nga naman na, may proseso ang pagkakaroon ng isang tahanan dahil hindi ibig sabihin na naipatayo mo na ito ay tapos na ang iyong gawain dito,may mga bagay o kagamitan ka pa na idadagdag o gagawin dito upang masabi mo talaga na ang tahanan ng iyong ipinagawa ay ang tahanan na iyong pangarap sa iyong buhay.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments