Lubos na pagpapasaya nga naman ang hatid ng mga noon time show sa ating lahat. Kung noon time show ang usapan, isa na rito ang binansagan ng longest running noon time show sa bansa na “Eat Bulaga”.
July 1979 nang magsimulang umere ang Eat Bulaga. At hanggang ngayon, halos mag 41 years na ang pag ere nito. Mabibilib ka nga naman talaga dito dahil hindi lang sa isa o dalawang channel ito naipalabas.
Kundi sa tatlong channel, mula sa ABS CBN, RPN hanggang ngayon sa GMA Network.
Nakakabilib pa dahil lumipas man ang panahon ay nakikipagsabayan pa rin ito. Talaga nga namang bawat taon ay mas nagiging matibay at sumasabay sa agos ng panahon ang Eat Bulaga.
Kaya, di maiwasan ng isa sa mga host na si Joey De Leon na mag throwback sa kanyang IG account.
Makikita sa larawan na pinost ni Joey ay ang kanikang larawan ng mga naunang hosts. Makikita sa larawan sina Joey de Leon, Vic Sotto, Tito Sotto, Chiqui Hollmann, at Richie D’Horsie.
“WALANG KATAPAT ang Eat Bulaga este, ang ibig sabihin po sa dahilang PITONG PRESIDENTE na ang dumaan, lumabas sa TATLONG HIMPILAN, tumawid-dagat pa ang pangalan at sumabak sa isang PANDAIGDIGANG DlGMAAN! Hindi tumitigil! Masdan kahit gula-gulanit na ang larawan!,” saad ng caption nito.
Talaga nga namang totoo ang sinabi ni Joey. Ang dami ng napagdaanan ng Eat Bulaga at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa. Literal pang walang katapat ito ngayon dahil sa pansamantalang pagkawala ng ABS CBN.
Mas nakakabilib pa ang Eat Bulaga dahil frinanchise na ito sa bansang Indonesia at Myanmar.
“Bata pa po ako eat bulaga na pinapanood sa bhay. Ang tv nmin black and white pa na may sariling cabinet. andyan pa po c chickie hallman yulo tama po b spelling? Heheh,” saad naman ng isang netizen na fan ng Eat Bulaga.
Source: Trending Planet
0 Comments