Sa panahon ngayon ng kr!sis na tila walang kasiguraduhan ang lahat bunsod ng C0VID, misan ay hindi mo nga namang maiwasang sumuko lalo na sa mga pangarap na nais mo pang abutin.
Pero, para sa aktor na si Jericho Rosales, walang dahilan para tumigil sa pangarap dahil sa mga negatibong nangyayari sa ating paligid.
“think a lot of us have stopped dreaming and reaching our goals because of the negative factors around us- poverty, lack of support and the additional uncertainty we get from this pandemic,” saad ni Jericho.
Kaya naman, naibahagi ni Jericho ang kanyang mga humble beginnings bago siya mag artista. Mula sa hirap ay nalagpasan niya ang proseso at naabot niya ang kanyang mga pangarap.
Mula sa mahirap na pamilya si Jericho. Hindi siya nakapag kolehiyo dahil na rin sa hindi niya alam ang pupuntahan at hindi rin nila ito kayang tustusan. Noong bata siya ay nangongolekta siya ng mga sirang wires, at mga lumang dyaryo para ibenta sa junk shops. Naranasan niya ding maging driver, magtinda ng ice buko, at delivery boy.
Malinaw nga naman na napakahirap talaga ng kanyang buhay. Walang tao ang magnanais ng buhay na kanyang dinanas pero hindi niya binitawan ang kanyang pangarap at paniniwala sa Diyos.
“I had faith in God and I also had time. So i prayed and prayed and never stopped learning new things. I kept moving. I kept my dream infront of me,” pahayag ni Jericho.
Pero, ayon kay Jericho sa pamamagitan ng sipag, tiyaga at pangarap ay walang umposible.
“Self-education, learning skills, surrounding yourself with forward thinking like-minded people and using your challenges as tools for self-improvement/development are keys to opening doors of opportunities,” kwento pa ni Jericho.
Natuto siyang mag English sa panonood ng TV at pelikula. Talagang pinipilit niya ang sarili na matuto para maabot ang kanyabg inaasam.
At ngayon, nasaan na nga ba si Jericho? Isa na siya sa mga tinitingala ngayon sa industriya ng showbiz. Napakagaling na aktor at naaabot na niya ang kanyang pangarap, ang makapagpagawa ng sariling bahay at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
“So keep dreaming, keep hoping and keep moving. You are made to be something and a someone for another. I wish all of us a bright future and i’ll do my part to make that happen,” mensahe ni Jericho.
Source: Trending Planet
0 Comments