Jasmine Curtis, ipinasilip ang kanilang napakasayang bonding moment kasama ang kanyang napaka cute na pamangkin na si Dahlia

Isang napakasayang okasyon ang naganap nito lamang Huwebes, ika-2 ng Marso, na kung saan ang napaka-cute na si Dahlia Amelie ay masayang nagdiwang ng kaniyang 3rd birthday.


Credit: @jascurtissmith on Instagram

Si Dahlia Amelie ay isa nga sa mga kilalang celebrity kids ngayon sa mundo ng showbiz, na kinagigiliwan at hinahangaan ng marami dahil sa taglay niyang kakyutan at kabibohan.

Sa murang edad pa lamang ay naipamalas na nga ni Dahlia sa publiko ang kaniyang natatanging husay at talento sa maraming bagay, na hindi nakapagtatakang namana niya ito sa kaniyang mga magulang na sina Anne Curtis at asawa nitong chef-vlogger na si Erwan Heussaff.


Credit: @jascurtissmith on Instagram

Tanging good vibes nga ang hatid ni Dahlia hindi lamang sa kaniyang mga magulang at tagahanga, kundi maging sa kaniyang “Tata” Jasmine Curtis, ay nagsilbi siyang bundle of joy sa buhay ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith)


Ito nga ang bagay na pinatunayan ni Jasmine sa kaniyang Instagram post noong March 4, matapos ang kaarawan ni Dahlia, na kung saan ay ipinasilip niya ang masayang bonding moments kasama ang pamangkin.

Makikita sa mga litrato ang pagiging malapit ng mag-Tita, na kung saan ay kapansin-pansin ang pag-alalay ni Jasmine kay Dahlia sa kanilang masayang pamamasyal.




Credit: @jascurtissmith on Instagram

Tunay ngang bilang isang Tita ay hindi maitatago ang labis na pagmamahal ng aktres sa kaniyang pamangkin, na kung saan ay itinuturing niya rin ito parang kaniyang sariling anak.

Aniya, “Will be with you wherever and whenever you need me #TroisAns”


Credit: @jascurtissmith on Instagram

Dahil dito ay bumuhos naman ang maraming papuri mula sa mga iniwang komento at reaksyon ng mga netizens, sa napaka-cute na bonding moment ng mag-Tita.

“So sweet magtita.❤

“You’re the best aunt ❤❤❤


Credit: @jascurtissmith on Instagram

Samantala, isang maikli at puno ng pagmamahal na mensahe ang naging komento ni Anne sa naturang post ng kaniyang kapatid at sinabing, “We love you Tata!!!! ❤❤❤

Agad naman itong sinagot ni Jasmine sa pamamagitan ng mensahe na, “@annecurtissmith i love you guys ∞-ever!!!”


Credit: @jascurtissmith on Instagram

Ang mag-asawang Anne at Erwan ay masayang ipinagdiwang ang ika-tatlong taong kaarawan ni Dahlia sa Tokyo Disneyland sa Japan.

The post Jasmine Curtis, ipinasilip ang kanilang napakasayang bonding moment kasama ang kanyang napaka cute na pamangkin na si Dahlia appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments