Anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut, naghatid ng good vibes matapos ipasilip ang kaniyang ‘cutest smile

Marami sa atin ang nahuhumaling sa mga naggagandahang kagamitan, nakaka-engganyong musika at sayawan, maging ang mga nauusong libangan ngayon ay swak na swak na rin mapa-bata man o matanda ay ito ang kinagigiliwan.

Credit:  Luis Manzano on Instagram

Ngunit, sa pagkakataong ito ay ibang bagay nga ang kinahuhumalingan ng napaka-cute at napakagandang celebrity baby, na si Baby Isabella Rose Tawile Manzano o mas kilala bilang si Baby Peanut.

Credit:  Luis Manzano on Instagram

Sa kaniyang edad na 2 months old, ay tila ang gatas ng kaniyang mommy Jessy Mendiola ang bagay na kaniyang kinahuhumalingan ngayon. Ito nga ang good vibes na hatid ng TV host at first time dad na si Luis Manzano sa publiko, matapos niya ibahagi sa kaniyang Instagram ang short video clip ng kanilang pag-uusap ni Baby Peanut.

Mapapanood sa video ang mapupungay na mata ni Baby Peanut, na tila ito ay parang isang lasing sa sobrang pagkaantok nito sa harap ng kamera.

Credit:  Luis Manzano on Instagram

At ang dahilan nga nito ay walang iba kundi ang kaniyang pag-inom ng maraming gatas.
At dahil likas kay Luis ang pagiging natural na komedyante, ay hindi nga nakaligtas si Baby Peanut sa pang-aasar ng kaniyang Daddy.

Credit:  Luis Manzano on Instagram

Biro pa nga ni Luis sa kaniyang anak, “I love you. Naka-170 ka na gatas. Okay ka naman sa buhay mo?”
Agad namang sumagot si Baby Peanut sa biro ng kaniyang Daddy Luis sa pamamagitan ng pagngiti nito, na tila siya ay sumasang-ayon sa sinabi ng TV host.

Dahil dito ay bumuhos agad ang samu’t-saring komento mula sa mga netizens, at hindi napigilan ipahayag ang kanilang labis na pagkatuwa kay Baby Peanut.

Credit:  Luis Manzano on Instagram

“Sobrang cuteeeeee! Sarap pa ulit ulitin panoorin”

“Bentang benta kay baby ang mga banat jokes ng daddy. Super pretty.”

“Nalasing sa gatas 😂. Ang cute cute 🤩. Yung Smile talaga 🤩🤩

Credit:  Luis Manzano on Instagram

“Feeling happy & contented si baby 😊 At talagang nag react at napangiti sa sinabi ni Papa hahaha”

“Feeling happy & contented si baby 😊 At talagang nag react at napangiti sa sinabi ni Papa hahaha”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

The post Anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut, naghatid ng good vibes matapos ipasilip ang kaniyang ‘cutest smile appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments