Komedyanteng si Michael V, muling ikinasal sa kaniyang asawa na si Carolina Bunagan: “Can’t wait to marry you again. I love you.”

Isang napakatamis at nag-uumapaw pa sa kilig ang naging pagdiriwang ng buwan ng mga puso para sa mag-asawang Michael V. at ang kanyang pinakamamahal na asawa na si Carolina Bunagan.
Limang araw bago nga sumapit ang Valentine’s Day ay pinakilig na ng komedyante ang puso ng kaniyang mga fans, sa mga larawan na kanilang ibinahagi ng kaniyang asawa nito lamang Huwebes, ika-9 ng Pebrero.


Credit: @niceprintphoto on Instagram

Sa Instagram post ni Bitoy, ay isang hindi malilimutang selebrasyon ng 25th wedding anniversary ang ipinasilip ng komedyante matapos maganap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Tunay ngang “Love is in the Air” para sa mag-asawang Michael V. at Carolina na mas lalo pang pinatitibay ang kanilang pagsasama sa hirap at ginhawa.


Credit: @niceprintphoto on Instagram

Ito nga ang naging pahayag ni Bitoy bago ang kanilang pagpapakasal. Aniya, “25 blessed years and counting. Happy Anniversary @ayoito. Can’t wait to marry you again. I love you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Sa larawan na kuha ng Nice Print Photography ay makikita ang magandang asawa ni Bitoy na nakasuot ng off-shoulder white gown, at ang aktor naman ay naka-suit and tie habang hawak nito ang munting kamay ng kaniyang pinakamamahal na asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Ayon pa kay Bitoy, “My definition of “a -stunning bride”. I love you @ayoito! Happy Silver Anniversary!”
Naganap ang kanilang 2nd renewal of vows sa exclusive luxury resort sa Amanpulo, Palawan, na siyang dinaluhan ng kanilang matatalik na kaibigan sa showbiz.


Credit: @niceprintphoto on Instagram

Ilan sa nagbigay ng kanilang mensahe at well wishes ay ang mga kasamahan ng komedyante sa kaniyang show na “Pepito Manaloto” na sina Manilyn Reynes, at Bubble Gang co-stars na sina Chariz Solomon, Arra San Agustin, Archie Alemania at Andrea Torres.

“Lodi Couple” nga ang naging tawag ni Manilyn para sa kaniyang dalawang matalik na kaibigan matapos ang halos 25 taon nitong pagsasama bilang mag-asawa.


Credit: @niceprintphoto on Instagram

Ayon sa batikang aktres, “We all look up to you. Like I said, you are our LODI na COUPLE. Dami talaga naming natututunan sa inyo. May God continue to bless you and your children, and may He strengthen your marriage even more. May He shower you with more blessings, success, happiness, love and healthy years together. Happy 25th Wedding Anniversary uli sa inyo, Bitoy and Mareng Ayoi. Mahal namin kayo.”

Dumalo rin sa kanilang pag-iisang dibdib ang mga kaibigan ni Bitoy na sina Ogie Alcasid at asawa nitong si Regine Velasquez-Alcasid.


Credit: @niceprintphoto on Instagram

Unang ikinasal sina Bitoy at Carolina sa isang civil wedding ceremony noong 1994, at nasundan ng church wedding na ginanap naman noong Pebrero 1998.

Nagkaroon na rin ng unang renewal of vows ang mag-sawa noong 2008 at sa kanilang matagal na pagsasama ay biniyaan naman sina Bitoy at Carolina ng apat na anak na sina Milo, Yanni, Migo at Maypaul.

The post Komedyanteng si Michael V, muling ikinasal sa kaniyang asawa na si Carolina Bunagan: “Can’t wait to marry you again. I love you.” appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments