Celebrity mom na si Melissa Ricks, ibinahagi ang masayang 1st month celebration ng kaniyang anak na si Baby Mikaela

Damang-dama nga ang pagmamahalan ng bawat isa sa naging pagdiriwang ng araw ng mga puso nito lamang ika-14 ng Pebrero.


Credit: @mellyricks09 on Instagram

Ngunit, kung ang ilan sa ating mga hinahangaang celebrities ay pinakilig ang kanilang mga asawa at kasintahan sa pagbibigay ng mga makukulay at naggagandahang bulaklak at matatamis na tsokolate, ang dating aktres na si Melissa Ricks naman ay masayang sinalubong ang Valentine’s Day kasama ang kaniyang 2nd daughter na si Baby Mikaela Macatangay.

Matatandaang ikinasal si Melissa sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Michael Macatangay noong May 23. 2021 sa California, USA.


Credit: @mellyricks09 on Instagram

At sa kanilang pagsasama ay biniyayaan ang mag-asawa ng isang napakagandang sanggol na siyang isinilang ng celebrity mom nito lamang January 14, 2023.

Kaya naman sa naging pagdiriwang ng araw ng mga puso ay ipinagdiriwang rin ni Melissa ang ika-unang buwan na kaarawan ni Baby Mikaela.


Ito nga ang ibinahagi ng celebrity mom sa kaniyang Instagram post, kalakip ang napakacute na litrato ng kaniyang anak na kuha mismo sa kanilang naging photosh0ot.


Credit: @mellyricks09 on Instagram

Sa mga litratong kuha ng Studio Nara, ay makikita ang mga cute na cute na litrato ni Baby Mikaela para sa kaniyang 1st month celebration.

Marami sa mga netizens ang humanga sa kakyutan ni Baby Mikaela at maging ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz ay nagbigay rin ng kanilang komento at pagbati.


Credit: @mellyricks09 on Instagram

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang komento ay sina Kitkat, Nikka Garcia, Say Alonzo, Jeck Maierhofer, at Neri Naig-Miranda.

“Ohh my long legs like mama 🙂 happy 1 month adorable baby girl 😍

“Happy 1st month 💕 How precious ❤




Credit: @mellyricks09 on Instagram

Samantala, maliban sa mga cute na larawan ni Baby Mikaela ay ipinasilip rin ni Melissa ang kaniyang litrato suot naman ang isang long white dress, na umani ng maraming papuri mula sa mga netizens.

Tunay ngang hindi matatawaran ang kaniyang natatanging kagandahan sa kabila ng pagiging hands-on mom at pagiging loving wife sa kaniyang asawa.

The post Celebrity mom na si Melissa Ricks, ibinahagi ang masayang 1st month celebration ng kaniyang anak na si Baby Mikaela appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments