Danica Sotto at asawa na si Marc Pingris, masayang ibinahagi ang bonding moments kasama ang bunsong anak na si baby Luc

Bundle of joy, iyan nga naman ang labis na makapagpapasaya sa isang pamilya. Ang pagdating ng bagong miyembro ng pamilya ay isang bagay na maipagpapasalamat sa Panginoon.


Credit: @danicaspingris on Instagram

Talaga nga namang iba ang pakiramdam ng isang magulang kapag nakita na nila ang kanilang anak. Bukod kasi sa napakacute ng mga babies, siyempre ang maging isang ama at ina ay malaking tuwa at responsibilidad.

Gaya na lamang ng mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris, nang ianunsyo nila noong nakaraang buwan ang malusog na pagsilang ni Danica sa kanilang ikatlong anak na si baby Jean-Luc.


Credit: @danicaspingris on Instagram

Napakacute nga naman ni baby. At talagang nakakawala ng pagod na makita siya.

Sa latest social media post ni Danica, makikita na tuwang tuwa ang mag-asawa na nilalaro ang kanilang baby.


Credit: @danicaspingris on Instagram

“Savoring each moment with the little one. 👶🏻

Thanking God for another day! Salamat sa moment na ito. Kayo, what are you grateful for right now?,” saad ni Danica sa kanyang IG.


Sabi nga nila, habang bata pa ay sulitin na ang oras at bonding sa kanila. Bawat araw na kasama sila at maalagaan sila ay isang malaking blessings. Kaya naman, talagang grateful ang mag-asawa sa pagdating ni Baby Jean.




Credit: @danicaspingris on Instagram

Matagal na ring mag-asawa si Marc at Danica. Sila ay nabiyayaan na ng tatlong anak at lalong tumitibay ang kanilang samahan at relasyon.

Maging ang mga netizens ay tuwang tuwa sa kanilang pamilya lalo na sa bagong dating na baby na si Baby Jean. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


Credit: @danicaspingris on Instagram

“So adorable!❤ Happy Family sa inio Maam Danica a and Sir Mark…”

“Habang maliit o Ang bata laging bubulungan Ng Ang ssbihn: anak mbait,masunurin at marispeto s Magulang at makapagtpos Ng pag aaral”.

“So bless to see this wonderful family ❤ I felt the same when I finally met my baby after 5years of waiting na magkababy. 🥰

The post Danica Sotto at asawa na si Marc Pingris, masayang ibinahagi ang bonding moments kasama ang bunsong anak na si baby Luc appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments