Angelica Panganiban, ipinasilip ang binyag ng kanyang napakagandang anak na si Amila Sabine na dinaluhan ng maraming bigating pangalan sa showbiz

Lubos ang saya, at tuwa ni Angelica Panganiban ngayon. Ano pa nga ba ang hihilingin niya kung mayroon na siyang Gregg Homan na nagmamahal sa kanya at siyempre ang kanilang baby at bundle of joy na si Baby Amila.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Noong Setyembre, dumating sa kanilang buhay si Baby Amila, na isang malaking regalo sa kanila. Sino ba ang hindi matutuwa na magkaroon ng napakacute at bubbly na baby?

Noong Lunes, nabinyagan na si Baby Amila. Siyempre, mahalaga din ang blessings mula sa Panginoon upang manatiling malusog at l!gtas si Baby. At kapag may binyag, syempre di mawawala ang mga ninong at ninang.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Makikita ang mga ninong at ninang ni Amila ay mga nakasama ni Angge sa showbiz. Ilan sa mga ito ay mga kaibigan at nakatrabaho niya gaya nila Kim Chiu, Glaiza de Castro, Judy Ann Santos, Cherry Pie Picache, Bela Padilla, John Prats, at Ketchup Eusebio.

Star-studded nga naman ang baptism na ito ni Baby. Marami talagang nagmamahal kay Angge lalo na kay Baby. Lahat sila ay mga ikalawang magulang na ni Amila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Di naman mapigilan ni John Prats, isa sa mga ninong na maging masaya para sa kanyang kaibigan. Narito ang kanyang pahayag.

“Yahoo!!! May inaanak na ako sayo Pets @iamangelicap 😜Pasensya na at hindi ka muna importante ngayon. Si bean talaga ang nag pa excite sakin😜,” lahad ni John Pratts.




Credit: @iamangelicap on Instagram

“Congratulations @gregg_homan and @iamangelicap 🙏🏼 Forever nandito ang Pamilya ko para sa inyo! Love you guys!” Saad pa ni Praty sa Instagram.

Samantala, tuwang tuwa naman ang mga netizens. Ilan sa mga napansin ng mga netizens ay ang ganda ng mga mata ni Baby Amila.


Credit: @iamangelicap on Instagram

“blue eyes like angelica, so prety angelica”.

“Beautiful baby🤗so nice blue eyes!”


Credit: @iamangelicap on Instagram

“Sana all magkaroon ng maraming ninong at ninang ang baby at mapabinyagan kaagad”.

Marami din sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang mga mensahe at pagbati para sa kanila.

The post Angelica Panganiban, ipinasilip ang binyag ng kanyang napakagandang anak na si Amila Sabine na dinaluhan ng maraming bigating pangalan sa showbiz appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments