Silipin ang masayang bonding moments ng mag-amang jake Ejercito at Ellie na umani ng papuri mula sa mga netizens

Hindi man naging madali para sa kaniya na gampanan ang responsibilidad ng pagiging isang magulang, ay pinatunayan naman ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito ang kaniyang pagiging isang responsable, mapagmahal, at mabuting ama sa kanilang anak ng kaniyang dating kasintahan na si Andi Eigenmann na si Ellie.


Credit: @unoemilio on Instagram

Napunta man sa hiwalayan ang kanilang pagsasama noon ni Andi, ay hindi ito naging hadlang para sa kanilang dalawa na maibigay kay Eliie ang sapat na atensyon at pagmamahal ng isang ina at ama.

Kaya naman sa kabila ng magkaibang buhay na kanilang tinatahak ngayon, ay naging maayos pa rin ang kanilang co-parenting set-up para sa kanilang anak.


Credit: @unoemilio on Instagram

Sa katunayan nga nito ay sinusulit ni Jake ang bawat oras na nakakasama niya ang kaniyang anak, at inilalaan ang kaniyang buong oras at panahon upang maka-bonding at makasama ito.

Nito lamang ika-29 ng Nobyembre ay ibinahagi ni Jake sa kaniyang social media account ang ilang mga larawan na kuha sa naging masayang pagkikita at pagkakasama nilang muli ng kaniyan anak na si Ellie.


Credit: @unoemilio on Instagram

Kitang-kita naman sa mga larawang ibinahagi ni Jake kung gaano sila kasayang dalawa, lalo pa’t tila masayang nag-eenjoy ang mag-ama sa kanilang mga cute na wacky pose gamit ang chopsticks.

Hindi maitatanggi na talaga nga namang maliban sa pagiging mag-ama ng dalawa ay nagkakasundo rin sila pagdating sa maraming bagay, at isa na nga rito ay ang pagwa-wacky pose sa harapan ng camera.


Credit: @unoemilio on Instagram

Maliban pa rito ay isang maikli at puno ng pagmamahal na mensahe ang siyang ipinaabot naman ni Jake sa nagdaang kaarawan ni Ellie noong November 23, 2022.

Sa kaniyang IG post ay makikita ang larawan ng kaniyang pinakamamahal na anak, na kung saan ay tinawag ni Jake si Ellie bilang kaniyang “daigdig ko”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Aniya, “Daigdig ko. Happy birthday”.

Tunay ngang hindi lamang isang butihin at responsableng ama si Jake kundi isa ring mapagmahal na ama sa kaniyang anak na si Ellie.




Credit: @unoemilio on Instagram

Dahil dito ay marami nga sa mga netizens ang talaga nga namang napahanga sa pagiging butihing ama ng aktor.

“Mas lalo kitang hinangaan for being a responsible father! Hands up! 🙌


Credit: @unoemilio on Instagram

“Sana lahat ng daddy katulad m @unoemilio ❤😍”.

“best bonding for girl dad beautiful Ellie”.

“My favorite father and daughter tandem. 😍

The post Silipin ang masayang bonding moments ng mag-amang jake Ejercito at Ellie na umani ng papuri mula sa mga netizens appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments