Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanilang masayang solong pamamasyal mag-asawa sa London

Kilala ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati bilang magkasintahan na talaga nga namang hilig ang pag travel. At karaniwan palagi nilang kasama ang kanilang mga anak sa lahat nang mga ito. Pero this time, alone time naman nilang dalawa, at ang destinasyon? London!


Credit: @richardgutz on Instagram

Sa latest post ni Richard ay makikita ang dalawa na masayang mag-kasama at magka holding hands while walking pa nga, “Finally some alone time with you in a beautiful city we’ve never been to before.” Sulat nya sa kanyang caption.

Ayon pa sa caption ay talagang pinangako nilang dalawang mag asawa na hindi dapat mawawala ang oras nila sa isa’t isa, dahil nga busy silang mga magulang sa pagpapalaki at pagbibigay ng magandang future sa kanilang pamilya ay dapat lang na di kalimutan nila ang halaga ng pagkakaroon ng oras sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)


“As busy parents, we’ve promised ourselves to always make alone time for each other, either through taking trips, exploring new places or just going on date nights to continuously rediscover each other. we figured out that getting lost together is as important as growing together. keep the flame burning. R & S” dagdag pa sa caption.


Credit: @richardgutz on Instagram

Ang nasabing trip na ito sa London ay matapos ng pagdiriwang ng kanilang second wedding anniversary.

Umabot na sa 105,263 likes ang nasabing post ni Richard.


Credit: @richardgutz on Instagram

Samantala sa Instagram naman ni Sarah Lahbati ay makikita din ang larawan nilang dalawa na nasa airplane pa.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Makikita din sa kanya kanyang mga Instagram ang mga activities na ginawa nilang mag-asawa na halata namang na enjoy nila.

Si Richard Gutierrez ay isang Filipino actor, environmentalist at model. Sya ay isa sa mga anak ng batikang actor na si Eddie Gutierrez. Si Sarah Lahbati naman ay isang Swiss-born Filipino actress at reality star. Nakilala dahil naging finalist sa 5th season ng reality show na StarStruck, isang Philippine overall talent show broadcast sa GMA Network.




Credit: @richardgutz on Instagram

Si Richard and Sarah ay ikinasal sa isang civil ceremony noong 2020 matapos ng three-year engagement. Ngayon ay may dalawa na silang anak na lalaki na sila Zion at Kai.

Sa huli, tunay na mahalaga ang oras sa ating mga mahal sa buhay kung kaya dapat nating bigyan ito ng pansin.

The post Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanilang masayang solong pamamasyal mag-asawa sa London appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments