Angeline Quinto, masayang sibukan ang mga ipinagmamalaking pagkain at street food ng Cebu

Pagdating sa usapin ng mga pagkaing Pinoy ay talaga nga namang napakarami ang pasok sa listahan na siyang binabalik-balikan dahil sa napakasarap nitong lasa.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ngunit kung pag-uusapan lang rin naman ay swak na swak sa iyong budget, ay tiyak na nangunguna na diyan ang mga kilalang street foods na kalimitang matatagpuan sa mga gilid ng kalsada.

“Tus0k-tus0k” ganiyan nga ang patok na patok sa panlasa ng Pinoy na talagang tinatangkilik dahill bukod sa ito ay masarap ay pasok na pasok rin sa budget.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ilan sa mga street foods na kinagiliwan ng mga Pinoy ay fishball, squidballs, kikiam, isaw, barbeque, kwek-kwek, at marami pang iba.

Tunay ngang bukod sa ito ay napakamura na ay talagang mabubusog at makakatipid ka pa.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman ang Power Diva singer na si Angeline Quinto ay masayang bumisita sa Tatalon, Quezon City, upang masubukan ang ipinagmamalaking street food ng mga Cebuano.

Paglalahad ni Angge, “Nag-plano ako na bisitahin itong sumisikat na kainan dito sa Tatalon, Quezon City dahil nakita ko ‘to sa Tiktok. So balita ko masasarap mga pagkain nila dito. Galing Cebu ang mga food nila,”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pungko pungko kung tawagin nga sa Cebu ang pamamaraan ng pagkain nila na ang ibig sabihin ay umupo o mag-squat.

Kasama ang non-showbiz boyfriend ni Angge na si Nonrev Daquina at kanilang mga kaibigan, ay sinubukan nilang tikman ang mga ipinagmamalaking pagkain at mga street food sa Cebu, tulad na lamang ang chorizo de Cebu (Longganisa), tuslog buwa (pig’s brain), siomai, ginabot (chicharong bulaklak), puso rice, ginabot sisig, at chori burger.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tunay ngang sa kabila ng natamong kasikatan ni Angge sa kanyang karera ay hindi maitatanggi ang pagiging simple ng singer, na naghatid ng maraming paghanga mula sa mga netizens.

“Simpling babae talaga si ate angie♥

“Nakakatuwa to si Angeline khit na sobrang sikat na nya, “Koboy” talaga at di maarte.Di sya nagbago.Kahit saan pwede sya.At higit sa lahat hindi ma-attitude.👌

“Nkkatuwa ka pong panuorin Ms Angge pg foodtrip ang content po nkkagana ka panuorin wlng kaarte arte good job po continue spreading good vibes❤❤❤

Bagama’t malayo man ang narating na tagumpay ay hindi pa rin niya nalilimutan ang kaniyang pinagmulan at masayang ibinabahagi ang mga ito sa kaniyang mga ka-“Twinkle” ang simpleng pamumuhay na mayroon siya ngayon.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Bago matapos ang masayang kwentuhan at matikman ang mga masasarap na street food na ito ay sinubukan rin ni Angge na gawin ang trending na ‘Guess the bill challenge, na kung saan ay kanilang huhulaan kung magkano ang inabot ng kanilang bill.

The post Angeline Quinto, masayang sibukan ang mga ipinagmamalaking pagkain at street food ng Cebu appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments