Jak Roberto, ipinasilip ang magiging kakalabasan ng kanyang ipapagawang napakaganda at napaka-eleganteng bahay

Isa sa mga ninanais ng lahat ay ang maganap ang mga gusto; gaya ng makapag travel, kumain ng mga pagkain sa iba’t ibang lugar, makapag negosyo, makapag patayo ng sariling bahay at marami pa ngang iba. Lahat tayo ay may pangarap ngunit ang sino lamang na nais dumaan sa proseso ng pag likha nito ay yoon lamang ang magkakaroon ng anumang ninais ng puso.


Credit: Jak Roberto Youtube Channel

Sa latest vlog nga ng isang artista na talaga namang tinitilian dahil sa kakisigan at ganda ng katawan na si Jak Roberto ay pinakita na ang kanyang pagsisimula nang pinapagawang bahay.

Sa simula nga ng vlog ay pinakita nya na muna ang lote nito lamang January 23, 2022 doon ay nakipagkita din sya sa kanyang architect at pinag-usapan kung ano ang mga plano ni Jak para sa lote na iyon.


Credit: Jak Roberto Youtube Channel

Ayon sa architect ay gusto ni Jak ng tatlong palapag. Base kay Jak ay talagang lubos ang pasasalamat nya na masisimulan ang kanyang bahay at nawa ay maging maayos ani pa nya. Dahil ayon sa mga nalaman nya ay nakaka str3ss nga nman daw ang magpatayo ng bahay.


Credit: Jak Roberto Youtube Channel

Matapos nga ng site visit ay nagkita muli sila Jak at ang kanyang Architect kung saan ay nakagawa na ito ng floor plan para kay Jak at tatlo pa nga ang option na binigay sa kanya at napag usapan na nga nila ang mangyayari.




Credit: Jak Roberto Youtube Channel

Pinakita nga ng Tier One Architects ang mismong walkthrough sa gagawin pa lamang na bahay kung saan ay kitang kitang ang pagiging elegante nito.

Modern at na-maximize ang space sa planong bahay ni Jak, una pinakita ang living area, sumunod ang dining area, powder room, maid’s room, maid’s toilet and bath, auxiliary kitchen, bedrooms, toilet and bath, at sa pang huli ay ang kanyang master’s bedroom at ganoon din na may walk-in closet din ito.


Credit: Jak Roberto Youtube Channel

Mayroon ding Multi-Purpose room, hang-out area, at syempre di mawawala ang gym area.

Sa huli ay tuwang tuwa at amaze na amaze si Jak sa nakita nya, na ayon pa sa kanya ay pera na lamang daw ang kulang. “GMA, ilo-loan po sa inyo ito ih” pabiro nyang sabi na.

The post Jak Roberto, ipinasilip ang magiging kakalabasan ng kanyang ipapagawang napakaganda at napaka-eleganteng bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments