Anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali, abot langit ang tuwa sa kanyang bagong ayos na kwarto

Lahat nga naman ng maaring maibigay sa anak ay talagang gagawin ng magulang pajra lang makamtan, ano pa man ito.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Marami sa mga magulang ang talagang pinipili ang anumang magagamit ng kanilang mga anak, mula sa damit hanggang sa hygiene ay talagang sinisiguro ang kalidad para lamang makita na masaya ang anak.

Sa isa ngang Instagram post ng hands-on mom na si Pauline Luna Sotto ay pinasilip nga nito ang kwarto ng kanyang anak na si Tali. Makikita ang video kung saan ay masayang masaya ang anak ni Pauline habang sya ay kinukuhanan.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Nakangiti at patalon talon pa ito sa kanyang bed. Paano naman kasi na hindi magiging masaya si Tali kung mala fairy tail na ang kanyang bedroom?

“My dream room for my Princess 👑” sulat ni Pauline sa kanyang caption.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

May canopy ang kanyang bed at may nakalagay pa ngang crown, sa tabi nga nya ay isang swan na stuff toy habang yakap nya ang isang tila rabbit na stuff toy din. Nakaka w0w naman talaga.

Nagpasalamat nga si Pauline sa mga nag-ayos ng kwarto ni Tali, “Thank you @spinkiebaby for making this a reality for Tali! This is so special!!” ani pa nito.


Hindi naman nagpahuli sila sa pag komento sa pasasalamat ni Pauline, “Aw Tali! 😍 Such a dreamy room fit for a princess! 💖 Thank you so much for making Spinkie a part of your beautiful home. 💖🙏🏻” sagot ng spinkiebaby.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

May mga netizen naman ang natuwa sa video ni Tali, at may nag sabi pa nga na gusto nya din ng ganoon para sa kanyang anak, at mayroon pang pinansin ang pagiging adorable ni Tali sa video.

Sa huli tunay na nakakatuwang masdan ang mga magulang na ginagawa ang lahat para sa ikakasiya ng kanilang mga anak.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Isa itong patunay ng pag-ibig ng magulang, pagkat walang magulang nanaisin ang hindi magandang bagay para sa kanyang dugo at laman.

Mag enjoy ka nawa sa iyong dream room Tali!


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Si Marie Pauleen Luna Sotto ay isang Filipino actress at television personality. Lumabas sya sa She GMA Network, at naging isa sa mga regular hosts ng isang long-running Philippine variety show na Eat Bulaga! Kung saan ay gumanap sya bilang child-woman character na si Baby Poleng.

The post Anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali, abot langit ang tuwa sa kanyang bagong ayos na kwarto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments