Dimples Romana, dumalo sa kaarawan ng kaibigan na si Bea Alonzo kasama ang ibang naging kasamahan sa sikat na pelikulang ‘One more Chance’

Kahit pa nga dumaan ang maraming panahon, ang mag kaibigan ay mananatiling mag kaibigan kung totoo ito. Marahil marami sa atin ang talagang gustong gusto na makasama ang ating mga kaibigan, paano namang hindi diba? Sila ba naman ang maging takbuhan natin sa kung ano ang nangyayari sa atin at kasama natin sa mga kasiyahan, sinong hindi sila nanaisin makasama.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Sa kaarawan nga ng kanyang kaibigan na si Bea Alonzo, nagbigay ng matamis na pagbati si Dimples Romana, “Happiest birthday to my dearest Basha/Katrina Argos @beaalonzo 💗” bati nya. Makikita sa mga naipost na larawan ni Dimples ang mga snaps sa pag diriwang ng kaarawan nito na talagang halatang nag enjoy sila kasama ang ilan pang mahal sa buhay ni Bea.

Makikita din sa larawan na ang outfit na napili nito ay tila pang corporate at kulay pink.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Binalikan pa nga ni Dimples ang mga panahon na kung kailan ay mag kaibigan na sila, “16 pa lang tayo, magkaibigan na tayo. We have grown together not just as actors but as friends as well.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Sabi pa nito na talagang sa tagal nilang naging magkaibigan ay nakita na nila ang isa’t isang mag grow at lubos nga ang pasasalamat ni Dimples kay Bea dahil sa patuloy nito na walang sawang pagbibigay sa kanya ng pagmamahal, simula noon pa hanggang sa sya ay nagka pamilya.


Credit: @dimplesromana on Instagram

“know that the doors of our home, will always be open for you 24/7 for late night chikas and even the more quiet moments” pag aassure nito kay Bea.

Madami naman sa mga sumusuporta kay Bea at mga kakilala ang bumati sa kanya.




Credit: @dimplesromana on Instagram

Tunay nga na walang tatalo sa pagkakaibigan na dumaan na sa maraming taon, dahil pinag tibay na ito ng lubos.

Sa huli isang pagbati sa iyo Bea Alonzo, pati na rin sa iyong mga napili mga kaibigan.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Si Bea Alonzo ay isang Filipino actress at ngayon din ay pinasok na din ang vlogging. Si Bea ay unang nakakuha ng recognition para sa 2002 teleserye na Kay Tagal Kang Hinintay. Kilala nga sya sa kanyang pag ganap sa mga pelikula na One More Chance (2007), Four Sisters and a Wedding (2013), at marami pang iba.

The post Dimples Romana, dumalo sa kaarawan ng kaibigan na si Bea Alonzo kasama ang ibang naging kasamahan sa sikat na pelikulang ‘One more Chance’ appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments