Donnalyn Bartolome, binigyan ng isang bonggang surprise birthday party ang aktor na si JM de Guzman

Pagdating sa usaping musika, tiyak na isa sa mga mahuhusay at talagang hinahangaan sa kantahan ay ang sikat na vlogger-actress at singer na si Donnalyn Bartolome.


Credit: @donna on Instagram

Ilan sa kaniyang mga musika na sinulat at ginawa na talagang pumatok sa masa ay ang awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe, Paskong Wala Ka, O.M.O. at marami pang iba.

Tunay ngang taglay ni Donnalyn ang pagiging isang mahusay na performer, kaya naman sa kaniyang latest single na “SHAWTY” na inilabas noong August 31, 2022, ay umabot na nga sa halos 3.8 million ang nakapanood sa kaniyang music video na ito.


Credit: @donna on Instagram

Nakasama ng aktres sa latest single na ito ang isa sa mga pinakamahusay na aktor sa mundo ng showbiz na si JM de Guzman, na kung saan ay isang munting sorpresa ang inihanda ng aktres sa kaarawan nito bilang pasasalamat sa kaniyang matalik na kaibigan.

Isang surprise birthday party ang inihanda ni Donnalyn para kay JM, na kung saan makikita sa kaniyang pinakabagong vlog ang naging paghahanda nito sa kanyang espesyal na sopresa para sa aktor.


Credit: @1migueldeguzman on Instagram

Sa tulong ng kapatid, manager at pamilya ni JM ay talaga nga namang makikita ang pagiging hands-on ni Donnalyn, magmula pa lamang sa pagde-decorate sa mismong venue, hanggang sa pagluluto, pag-invite ng mga guests, at pagho-host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)


Ayon pa nga sa singer ay wala daw umanong kaalam-alam si JM sa tunay na kaganapan, dahil ang alam lamang nito ay inimbitahan siya ng isang Mayor sa Batangas upang maging celebrity guest.

Nagpanggap man bilang Mayor si Donnalyn, ay sinugurado naman nito na talagang mag-eenjoy ang aktor sa kaniyang surprise birthday party, na kung saan ay imbitado rin sa selebrasyong ito ang mga iniidolo at paboritong fliptop artist ni JM na sina Loonie, Smugglaz, Anygma, at iba pa.




Credit: @1migueldeguzman on Instagram

Dahil dito ay marami nga sa mga netizens ang hindi napigilan bigyan ng ibang kahulugan ang sorpresang ginawa na ito ng aktres para sa kaniyang matalik na kaibigan.

Sa kabila man ng mga espekulasyon at komentong ito ay agad na nilinaw ni Donnalyn na silang dalawa ni JM ay matalik na magkaibigan lamang.


Credit: @1migueldeguzman on Instagram

Aniya, “Girls, wag kayong mag-alala hindi ko dyowa si JM.”

Mensahe ng aktres para sa aktor, “Happy Birthday to SHAWTY’s main leading man: @1migueldeguzman !! I can’t tell you how thankful I am for your support man, so I tried and showed you just how much! – Lungya ka kasi makatingin JM! You make the world a better place with those eyes. Happy birthday ulit!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)


Lubos namang pinasalamatan ni JM si Donnalyn sa sorpresa na inihanda nito para sa kanya.

“May ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya. Hindi pa ako nasorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya. Napakabuti mong tao,” saad ng aktor.

The post Donnalyn Bartolome, binigyan ng isang bonggang surprise birthday party ang aktor na si JM de Guzman appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments