Anne Curtis, labis na pinahanga ang mga netizens sa kaniyang bago at nakabibighaning hairstyle

Kabilang sa mga kababaihan na hinahangaan sa kaniyang taglay na kagandahan, kas3ksihan, at pagiging isang butihing ina sa kaniyang anak ay ang Kapamilya actress at Showtime host na si Anne Curtis.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa kaniyang nakabibighani at mala diyosang kagandahan ay talaga nga namang marami sa mga netizens ang humahanga at umiidolo sa kaniya.

At sa pagkakataong ito ay muli na namang pinatunayan ni Anne sa publiko na taglay niya ang nag-uumapaw na ganda sa kaniyang bagong look ngayon na ibinahagi kamakailan sa kaniyang Instagram account.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa tulong ng kaniyang mahuhusay at magagaling na glam duo na sina Robbie Pinera at Raymond Santiago, isama pa ang kanilang napakahusay rin na photographer na si Alan Segui, ay makikita nga rito ang napakagandang new hairdo ng aktres na siyang gumulat sa kaniyang mga followers.

Makikita ang bagong hairstyle ni Anne na kung saan ay mula sa kaniyang mahabang buhok noon, ay pinaikli niya ito at pinalagyan rin ng bangs.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Tila bumagay nga sa napakaganda at maliit niyang mukha ang new look na ito ni Anne, na siyang mapapansin na mas lalo pa ngang bumata ang aktres sa kaniyang new hairdo at fresh na fresh na awra ngayon.

At kung aalamin ang dahilan ng aktres sa kaniyang biglaang pagpapagupit, ay agad naman niya itong sinagot at sinabing, “Wala lang, na-feel ko lang magpa-short hair bigla for a change in life.”




Credit: @annecurtissmith on Instagram

Ayon kay Anne, ang inspirasyon niya sa kaniyang napakagandang look na ito ay mula sa French character na si Amelie, na lumabas sa isang French romantic comedy noong taong 2002.

Aniya, “Actually ang isa sa mga inspiration ko si Amelie, isa siyang French character.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Tunay ngang mas lalo pa lumutang ang taglay na kagandahan ni Anne, dahilan upang umagaw ng pansin ang kaniyang bagong look mula sa mga netizens at kapwa celebrities ni Anne sa mundo ng showbiz.

Marami pa sa mga ito ang nagsasabing kahawig niya umano ang Hollywood actress na si Natalie Portman.

Ilan sa mga ito ay sina Antoinette Taus, Jugs Jugueta, at Pia Wurtzbach.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Maging ang mga matatalalik na kaibigan at kapamilya na sina Jasmine Curtis, Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Maxene Magalona, Jessy Mendiola, Isabelle Daza, Iza Calzado, at Shaina Magdayao ay napahanga at binigyang puri rin ang taglay na kagandahan ni Anne sa kaniyang bagong hairstyle.

The post Anne Curtis, labis na pinahanga ang mga netizens sa kaniyang bago at nakabibighaning hairstyle appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments