Coleen Garcia at Billy Crawford, lumipad patungong France para sa isang napakasayang bakasyon kasama ang kanilang anak na si Amari

Isa ang Paris, France sa mga magagandang lugar na pinapangarap na mabisita ng marami sa atin, lalong-lalo na ang mga magkasintahan at mag-asawa dahil sa ipinagmamalaki nitong pinakasikat na tourist attraction doon, ang Eiffel Tower.

Kaya naman maging mga sikat na personalidad sa mundo ng showbiz ay hindi na pinalalagpas pa ang pagkakataong ito na mabisita at makapamasyal sa isa sa mga napakagandang lugar sa Paris.

Tulad na lamang ang aktres at celebrity mom na si Coleen Garcia na masayang ibinahagi ang kaniyang magandang karanasan sa Eiffel Tower, na kung saan ay nakasama rin niya sa masayang adventure na ito ang kaniyang asawa na si Billy Crawford at kanilang “marshmallow baby at bubba” na napaka-cute nilang anak na si Amari.

Sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram, ay makikita ang masasayang ngiti ng mag-ina habang sa kanilang likuran naman ay mapapansin ang tanyag at ipinagmamalaking Eiffel Tower.

Makikitang labis na nag-enjoy ang kanilang pamilya sa masayang bakasyon na ito na magkakasama, kaya naman maging ang pagpunta at pagsakay sa carousel ay kanila ring ginawa na ayon pa sa caption na iniwan ni Coleen sa kanyang post, “We finally got to ride a carousel in Paris for real.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Magmula sa masayang pagbakakasyon sa Paris ay isa rin sa dahilan ng kanilang pagbisita roon ay ang nakatakdang pagsali ni Billy kamakailan sa isang sikat na dance competition program na napapanood tuwing Biyernes sa TF1 ng France.



“Challenge accepted and on to the next. @fauvehautot & I are preparing for this Friday. We can’t wait for you guys to see it already… Clue: let’s have fun!!! 😉 #dancewithus” saad ni Billy.

Isa si Billy sa mga naimbitahan na makipaglaban para sa ‘Danse avec les stars’ na kung saan ay naging kapareha niya rito si Fauve Hautot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


Aniya, “I’m so blessed to be part of this! The entire team is a dream to work with. Hardest working, most professional, and genuine love and support coming from all angles! @fauvehautot is a beast! I’m learning so much and you’re an inspiration to all dancers around the world! Can’t wait for all the other challenges coming up! @dals_tf1 thank you so much for having me.”

The post Coleen Garcia at Billy Crawford, lumipad patungong France para sa isang napakasayang bakasyon kasama ang kanilang anak na si Amari appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments