Angeline Quinto, pinasaya at binigyan ng maagang pamasko ang dalawang nanay na kaniyang nakilala

Hindi lamang masasaya at magagandang istorya ng kaniyang buhay ang tampok sa mga video na mapapanood sa YouTube channel ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Dahil maliban dito, ay mapapanood rin sa kaniyang mga vlog ang kaniyang mga ginagawang pagtulong sa kapwa at mga taong nangangailangan.

At dahil nalalapit na rin ang pagdating ng season of love and giving, ay hindi pinalampas ni Angge ang pagkakataong ito na makatulong sa mga nanay rin katulad niya at magbigay ng maagang aginaldo para sa kanila.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa kaniyang vlog na pinamagatang “Grocery Challenge Maagang Pamasko Sa Mga Nanay!” ay dito ipinasilip ng singer ang kaniyang ginawang paghahanap at pagpili ng dalawang nanay na kaniyang kakamustahin at tutulungan.

Ayon kay Angge, “Naisipan ko po na mangamusta ng dalawang nanay na makikita dito sa area. Hahanap tayo ng dalawang nanay na kakamustahin natin, at the same time bibigyan natin sila ng kaunting kasiyahan at kaunting aginaldo.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa kanilang paghahanap ng dalawang nanay na makakatanggap ng maagang pamasko, ay dito nakilala ni Angge si Irish na mayroong 8 anak at si Judith naman na mayroong 2 anak.

Bilang bahagi ng kaniyang pagpapasaya at pagtulong sa dalawa ay pumunta sila sa isang supermarket at ginawa ang grocery challenge, na kung saan ay sa loob ng isa at kalahating minuto ay kinakailangan makuha nina Irish at Judith ang lahat ng nais nilang bilhin gamit ang kanilang mga kamay at katawan.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa pagsisimula ng kanilang challenge ay kapansin-pansin na mas maraming mga kahon ng gatas ang kanilang kinuha na siyang kailangan ng kanilang mga anak.

Dahil sa kanilang natanggap na maagang pamasko mula kay Angge, ay labis ang naging pasasalamat nina Irish at Judith sa biyayang ipinagkaloob nito sa kanila.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ayon kay Irish, “Salamat po Ma’am Angeline ako po ay binigyan niyo ng pagkakataon na mapili dito sa grocery challenge po. Maraming maraming salamat po. Makakatulong po ito sa paghahanapbuhay ko at salamat din po sa pamilya niyo at kay Baby Sylvio.”

“Thank you po Ms. Angelince Quinto, para po sa maagang pamasko para sa anak ko, para sa amin po. Sakto po bibili po sana kami ng gatas, ‘yun po, kami po yung napili dito. Maraming salamat po. God Bless sa inyo, sa family niyo po kay Baby Sylvio. Thank you!” saad naman ni Judith.

Sa ipinakitang kabutihan ng singer at sa kaniyang pagkakaroon ng malaking puso na tumulong sa tulad niyang mga nanay rin, ay marami nga sa mga netizens ang natuwa at hinangaan ang kaniyang kabutihan.

“Thats one of the reason why i always admire ate angeline because of her good heart😊


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Ang sarap panoorin Mga Ganitong Challenge 😍 sana Marami kang matulungan Maam Angeline God Bless po🙏😇”.

“I’m so proud of you Ms. Angeline. 😍😍❤ Habang nakain ako naiiyak ako sa ginawa mo. More blessings to come. 🥹🥰

The post Angeline Quinto, pinasaya at binigyan ng maagang pamasko ang dalawang nanay na kaniyang nakilala appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments