Marian Rivera, pinatunayan na walang kupas pa rin ang kagandahan sa edad na 38

Pagdating nga sa usaping kagandahan at kas3ksihan, tiyak na isa sa mga nangunguna at tunay na nagbigay ng pagpapakahulugan sa salitang “diyosa”, na labis na hinangaan ng madla ay walang iba kundi ang Kapuso actress at tinaguriang Primetime Queen na si Marian Rivera.


Credit: @marianrivera on Instagram

Dahil sa kanyang natatanging ganda at taglay na karisma, ay hindi nakapagtatakang isa lamang siya sa mga kababaihang bumihag hindi lamang sa puso ng madla kundi maging sa kanyang mga tagahanga.

Sa kanyang mala diyosang kagandahan, ay hindi lamang siya kinilala ng publiko bilang isang endorser, television host, kundi isa rin sa mga mahuhusay na aktres sa mundo ng showbiz.


Credit: @marianrivera on Instagram

Kaya naman nagsimulang lumago ang kanyang karera nang gampanan niya ang karakter na “Marimar”, at kalaunan nga ay nabigyan rin ng isang iconic drama series na kanyang gampanan naman ang role bilang Pinay superhero na “Darna” na nasundan pa ng mga teleserye na Dyesebel, Amaya, at iba pa.

Ngunit sa kabila ng pagiging mahusay at magaling na artista, ay labis ring hinangaan si Marian sa kanyang pagiging isang mapagmahal na asawa sa aktor na si Dingdong Dantes at hands-on mom sa kanilang napakaganda at gwapong mga anak na sina Zia at Ziggy.


Credit: @marianrivera on Instagram

Sa kabila ng pagkakaroon ng asawa at dalawang anak ng celebrity mom ngayon, ay tila hindi pa rin nagbabago ang kanyang taglay na kagandahan at kas3ksihan, bagkus ay mas lalo pa siyang hinangaan ng publiko sapagkat patuloy niyang napapanatili ang mga ito.

Kaya naman sa naging pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ay muli na namang nabihag ni Marian ang puso ng madla matapos niya ibahagi sa kanyang social media account ang kahanga-hangang mga litrato na kuha mismo bago ang araw ng kanyang kaarawan.


Credit: @marianrivera on Instagram

Sa kanyang Instagram post, kalakip ang caption na, “Counting down the days…” ay makikita ang napakagandang litrato ng aktres suot-suot ng isang white bow dress.


Sa litratong ito ni Marian ay talaga nga namang hindi aakalaing ipinagdiriwang na niya ang kanyang ika-38 na taong kaarawan, at talagang pinatunayan ang kanyang timeless beauty mula pa man noong kanyang henerasyon hanggang kasalukuyan.




Credit: @marianrivera on Instagram

Nasundan pa nga ang kanyang litrato ng isa pang nakabibighaning larawan, na makikitang nakasuot naman ito ngayon ng isang black outfit na sinamahan pa ng gold Chanel pieces na nagbigay kagandahan sa kanyang mala sopistikadang kasuotan.

Hindi nakapagtatakang bumuhos agad ang madaming papuri mula sa mga netizens at mga katrabaho ng aktres sa showbiz, na siyang umabot na sa halos 190K ang nakuhang likes at 1.4K na komento mula sa mga ito.


Credit: @marianrivera on Instagram

“Anong 38? Baka 18 yarn haha mygaaaad 🔥🔥🔥❤❤❤❤😍😍😍😍😍😍😍”.

“Stunning Queen 😍🙌”.

“Uwian na May nanalo na uli 😁, fresh and young looking, pretty 🥰Happy Birthday 🎂”.

The post Marian Rivera, pinatunayan na walang kupas pa rin ang kagandahan sa edad na 38 appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments