Ryza Cenon, ipinasilip ang sariling gawang laruan na talagang nagustuhan ng kanyang anak na si Night

Tunay nga na isang napakalaking responsibilidad ang pagiging isang magulang lalo na ang pagiging isang ina. Sa kabila man ng hirap, pagod, at stress sa pag-aalaga sa kanilang mga chikiting, ay hindi pa rin matatawaran nito ang hatid na tuwa at saya, sa tuwing makikita at maririnig ang mga ngiti at tawa ng mga ito.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

At bilang isang ina ay talagang mababago ang pananaw at priorities ng isang mommy. Kaya naman bilang first time mom ng aktres na si Ryza Cenon, ang kanyang buong oras at atensiyon ay nakalaan na ngayon sa kanyang napakacute na anak na si Baby Night.

Kung noon ay tanging trabaho tulad ng taping at endorsements ang pinagkakaabalahan ni Ryza, ngayon naman ang pagiging isang hands-on mom kay Baby Night ang naging malaking pagbabago sa buhay ng aktres.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

At kahit ang kaakibat nito ay puyat at pagod, ay tila okay lang para kay Ryza basta’t masilayan lamang ang bawat ngiti nito ay sapat na para sa kanya.

Bilang isang aktres at mommy na ngayon, ay hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na isa rin sa mga talento ni Ryza ay ang pagiging artist at creative mom.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Matatandaang July 22, 2021, nang ibahagi ng aktres ang kanyang ginawang DIY car para sa kanyang anak na si Baby Night, na kung saan sa pamamagitan lamang ng karton na makikita sa ating tahanan ay kanyang pinaganda ito at ginawang isang sasakyan.

Dahil sa kanyang ipinakitang husay at galing sa larangan na ito ay muling pinabilib at pinahanga ni Ryza ang publiko, matapos niyang ibahagi ang isang DIY Lightning McQueen Car na kanyang ginawa muli para sa anak na si Night.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram nito lamang August 8, ay makikitang gawa ang sasakyan na ito sa karton at tila naging isa na ngayong napakagandang masterpiece.

Tunay ngang hindi aakalaing gawa lamang ito sa karton, dahil sa napakagandang disenyo at pula na kulay nito, na talaga namang perfect na perfect bilang bagong toy car ni Baby Night.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Ayon pa nga kay Ryza ay tila worth it raw ang lahat ng kanyang puyat at pagod sa paggawa nito, matapos masilayan ang ngiti at tuwa ng kanyang anak matapos itong masilayan.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Aniya, “Lahat ng pagod at puyat ko sa pag-gawa ng Lightning McQueen Car ni Night, worth it! Ang saya saya ng anak ko.”

At tulad ng priceless reaction ni Baby Night sa kanyang bagong DIY car ay tila priceless din ang naging reaksyon ng mga netizen matapos mamangha sa ipinakitang husay at talento ni Ryza.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

“Wow galing nyo nmn po gumawa nyan 👏

“Nakalimutan daw po ni night yung pang gas😂😂galing nyo po Ms Ryza👏👏👏super wow 🤩 🤩🤩🤩


Credit: @iamryzacenon on Instagram

“Galing mo talaga madam 👏👏👏👏 Ganda ganda”

“Great craftsmanship 🙌

The post Ryza Cenon, ipinasilip ang sariling gawang laruan na talagang nagustuhan ng kanyang anak na si Night appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments