Jason Abalos at Vickie Rushton, ibinahagi ang kanilang nakakakilig at napakagandang prenup na mga larawan

Makalipas ang halos higit sa isang dekadang punong-puno ng pag-iibigan at pagmamahalan, ay tila tuloy na tuloy na nga ang pag-iisang d!bdib ng long-time celebrity couple na sina Jason Abalos at Vickie Rushton.


Credit: @thejasonabalos on Instagram

Matapos ang kanilang pagbabahagi ng engagement na naganap noong September 1, 2021, ngayon ay masayang ibinahagi ng magkasintahan ang kanilang nakakakilig at memorable prenup photosh0ot sa Nueva Ecija.

Sa kanilang ikatlong prenup sh0ot ay napili ng aktor at board member ng ikalawang distrito ng Nueva Ecija na si Jason ang Pantabangan Dam, upang dito ganapin ang kanilang prenup pictorial ng dating beauty queen na si Vickie, na siyang magiging daan din ito upang makatulong rin sa industriya ng turismo sa kanilang probinsya.


Credit: @thejasonabalos on Instagram

Paglalahad ni Jason, “Pinili ko ang Pantabangan, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito.”

Sa mga litratong ibinahagi ni Jason sa kanyang Instagram account, ay dito inilahad ng actor-politician ang pangunahing hanapbuhay ng kanilang mga kababayan sa Pantabangan.


Credit: @thejasonabalos on Instagram

Aniya, “Pinalubog ang lumang bayan ng Pantabangan para bigyan daan ang pagpapagawa ng Hydroelectric Power Plant noong panahon ni President Marcos.”

“Kasabay nito ay nawalan ng sakahan na pangunahing kabuhayan ng mga Pantabangeño. Napatubigan ang mga sakahan sa mga kalapit na bayan, at nakapag supply ng kuryente na makakadagdag sa pangangailangan ng bansa.” saad pa nito.


Credit: @thejasonabalos on Instagram

Kasabay ng pagkawala ng hydroelectric power plant na proyekto noon ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos Sr., ay hinihikayat ng aktor na maging daan ang kanilang prenup photos ni Vickie, upang manumbalik ang interes ng mga turista na bisitahin at pasyalan ang kanilang napakagandang bayan sa Pantabangan, Nueva Ecija.

Ayon sa kanya, “Hangang sa ngayon, ang tanging maaasahan na ng mga kababayan ko ay ang palakasin ang turismo. Kaya iniimbitahan ko kayong lahat sa aming bayan. Marami ditong Water sports na pwede gawin. Malinis ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin, twing summer at mababa ang level ng tubig ay nagpapakita ang lumang simbahan sa gitna ng tubig.”




Credit: @thejasonabalos on Instagram

Samantala, bago ang kanilang ikatlong prenup sh0ot ay nauna nang ibahagi ng magkasintahan ang ilan pa sa kanilang mga prenup pictorial. Ilan sa mga ito ay kanilang rustic photoshoot na ginanap naman sa Desmond Farm na matatagpuan rin sa hometown ni Jason.

Marami sa mga mga netizens ang kinilig at excited na rin para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng celebrity couple.


Credit: @thejasonabalos on Instagram

“Abot na talaga sa langit ang kilig !😊

“Ang tagal ko rin naka subaybay finally may God guide you through this new journey together ❤

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)


“Yay so happy for you both dahil sa kasalan din ang tuloy,congrats and God bless u”

“Super love ko ang couple na ito! ❤❤❤ congrats”

The post Jason Abalos at Vickie Rushton, ibinahagi ang kanilang nakakakilig at napakagandang prenup na mga larawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments