Angeline Quinto, nagbigay saya sa dalawang kabataan nang ilibre nya ito ng pagkain at bilhan ng damit at sapatos kasabay ng kanilang pamamasyal sa Quiapo

Marami na sa atin ang hindi na magkamayaw sa pamamasyal at mapuntahan ang mga naggagandahang pasyalan dito sa Pilipinas. Tila mapa siyudad man o probinsya ay talaga nga naman ang karamihan ay hindi na pinalalagpas pa ang pagkakataong ito upang kanilang mabisita at mapuntahan.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tulad na lamang ang singer-actress at first-time mom na si Angeline Quinto, na masayang bumisita sa Quiapo, Manila, hindi lamang mabalikan muli ang nasabing lungsod, kundi masubukan rin ang sikat at ipinagmamalaki na The Original Palabok at Halo-Halo, ang Jolli Dada’s Eatery.

Kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina, ay kanilang pinilahan at sinubukan tikman ang napakasarap na Palabok sa Maynila.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Matatagpuan ang Jolli Dada’s Eatery sa C. Palanca Street, Corner, Quezon Boulevard, sa Quiapo, Manila. At maliban sa Palabok sila rin ay nagbebenta ng ibang lutong pansit tulad ng Bihon, Miki Bihon, Canton, Spaghetti, Canton Bihon, at Sotanghon Guisado.

Sa kanilang masaya at masarap na food trip ay nakilala rin ni Angge ang mga batang lansangan na sina Kokong at Tyron, na kung saan ay dinala niya ang mga ito sa isang kilalang fast food restaurant at binilhan ito ng mga damit at tsinelas sa Plaza Miranda.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tunay ngang hindi lamang mahusay na singer si Angge, kundi isa rin siyang mabuting mamamayan na handang tumulong at ibahagi ang kanyang mga natatanggap na biyaya sa kanyang kapwa.

Makikita sa kanilang mga ngiti at mukha ang labis na pagkagalak sa pagkain at mga gamit na kanilang natanggap mula sa celebrity mom.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Umani naman ng iba’t ibang kumento ang pagtatagpong ito nina Angge mula sa mga netizens. At karamihan sa kanila ay pinuri ang kabutihan puso ng singer at pagiging mapagpakumbaba nito sa kabila ng kanyang natamong kasikatan.

“I admire Angeline for being kind especially for the kids, the boys are happy, stay humble. God bless you more.”

“You have such kind heart and a funny personality Angeline 😊 you made the two kids very happy and I’m sure they will never forget your kindness 🙌🏼”.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Sobrang down to earth padin. Walang pinagbago at walang kayabangan sa katawan. Iloveyou te angeline”.

“I really love Angie, She’s so kind and simple 💛”.

The post Angeline Quinto, nagbigay saya sa dalawang kabataan nang ilibre nya ito ng pagkain at bilhan ng damit at sapatos kasabay ng kanilang pamamasyal sa Quiapo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments