Ryzza Mae Dizon, ibinahagi ang kanyang masayang pagbabalik sa Eat Bulaga makalipas ang dalawang taon

Balik trabaho na nga muli ang Kapuso child star na si Ryzza Mae Dizon matapos ang halos dalawang taon nang pananatili sa bahay dahil sa naganap na l0ckd0wn dala ng C0vid.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Ang magandang balita nga na ito ay ibinahagi ng child star sa kanyang YouTube channel, na kung saan sa kanyang latest vlog na pinamagatang “After 2 years nakabalik din sa eat bulaga (thank you lord)” ay dito ipinasilip ni Ryzza ang kanyang labis na kaligayahan, na sa wakas ay muli na siyang nakabalik sa APT studios ng Eat Bulaga.

Aniya, “Sobrang special nito for me dahil after 2 years and 3 months, makakabalik na po ulit tayo sa apt studios.”


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na isa si Ryzza sa mga young TV host ng noontime variety show na Eat Bulaga, na kung saan ay kasama niya rito ang ilan sa mahuhusay at batikang aktor, host at aktres sa industriya ng showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ryzza⁷⁷⁷🧚‍♀️ (@ryzzamaedizon_)


At sa kanyang muling pagbabalik, ay isinama ni Ryzza ang kanyang mga viewers sa kanyang pag-alis sa kanilang bahay sa Pampanga hanggang sa tuluyan na ngang makarating sa studio ng Eat Bulaga.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Hindi naman mapigilan ng child star ang labis na tuwa bago pa lamang tuluyang pumunta para sa kanilang call time, ay dito naman niya inilahad na siya ay excited na nga rin sa kanyang pagbabalik.

“Sobrang excited po talaga ko kasi nga ito na yun guys! Madami ring nagko-comment na sana makabalik na ko sa Eat Bulaga, at ito na ‘yun guys!” saad pa niya.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Sa kanyang pagdating sa APT studio ay muli ngang nanariwa kay Ryzza ang mga masasayang ala-ala na nabuo kasama ang kanyang mga ka-trabaho pati na rin ang mga Dabarkads.

Ilan sa kanyang mga ipinasilip ay ang kanilang naging rehearsal para sa opening prod at ang kanilang naging paghahanda para sa naturang live show.


Credit: ryzzamaedizon_ on Instagram

Bago matapos ang kanyang vlog ay labis namang pinasalamatan ni Ryzza ang Panginoon, ang Dabarkads pati na rin ang lahat na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya mula umpisa hanggang kasalukuyan.


Credit: ryzzamaedizon_ on Instagram

Pagpapasalamat ni Ryzza, “Sobrang saya ko po dahil nakabalik na po ulit ako sa APT studios, thank you Lord, thank you Dabarkads at thank you po sa inyong lahat.”

The post Ryzza Mae Dizon, ibinahagi ang kanyang masayang pagbabalik sa Eat Bulaga makalipas ang dalawang taon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments