Angeline Quinto, ibinahagi ang kanyang pamamaraan ng pagpapaligo sa kanyang baby na si Sylvio

Sa panibagong yugto sa buhay ngayon ng aktres at singer na si Angeline Quinto bilang isang first time mom, ay talaga nga namang mababakas ang kanyang labis na kaligayahan sa pagdating ng kanyang anak na si Aziel Sylvio Quinto Daquina o si Baby Sylvio.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Hindi na nga maitatago pa ni Angeline ang kanyang labis na kaligayahan at excitement, na siyang sa pagdating pala ni Baby Sylvio noong April 27, 2022 ay dito na rin tuluyang nadama at nalasap ni Angge ang pagiging isang ganap na ina.

Kaya naman ilang linggo matapos isilang ni Angge ang kanyang napakacute na baby boy, ay hindi na pinalagpas pa ng celebrity mom na maibahagi sa publiko ang kanyang buhay bilang isang ina.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tila kasabay ng panibagong yugto na ito, ay siya ring madaming pagbabago ang naganap sa kanyang buhay. Kaya naman noong ika-11 ng Mayo ay minsan nang ibinahagi ni Angge sa kanyang vlog kung paano niya inaalagaan si Baby Sylvio sa araw-araw.

Umabot na nga sa halos 1.7 million views ang video niyang ito sa YouTube, na kung saan ay talaga namang marami ang napahanga at napabilib sa pagiging hands-on ng singer sa kanyang anak.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

At makalipas nga ang ilang linggo, ang bagong silang na si Baby Sylvio ay isang buwan na ngayon, kaya naman si Angge ay hindi na rin pinalagpas pa ang pagkakataon na maibahagi naman sa kanyang mga viewers ang naging karanasan niya sa pagpapaligo sa kanyang 1-month-old baby boy.

Sa kanyang latest vlog ay dito naman ibinahagi ni Angge na isa sa kanilang bonding moment ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina ang pagpapaligo sa kanilang anak na si Baby Sylvio.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Aniya, “Since ang pagpapaligo kay Baby Sylvio ang nagiging bonding moment namin kasama si Nonrev yung papa niya, na talagang very hands-on rin na tinutulungan ako sa pagpapaligo kasi minsan hindi ko kaya.”

At bilang isang first time mom pa lamang, ay inamin rin ni Angge na sa unang beses na kanyang pinaliguan ang kanyang anak ay ganoon na lamang ang kaba at labis na pagkataranta ang kanyang naramdaman.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pagbabahagi ng singer, “Alam niyo sa totoo lang mga ka-twinkle, noong unang beses na pinaliguan ko si Sylvio, sobra akong nataranta. As in natataranta ko kasi feeling ko baka mali yung timpla ng tubig, baka masyadong malamig, masyadong mainit.”

Ngunit aniya sa kabila man ng kanyang naramdamang kaba, ay nakaisip naman ng isang paraan ang celebrity mom upang siya ay maging kalmado pa rin, na kung saan ay ito rin ang bagay na siyang nagpapakalma umano sa kanyang anak.

At ito nga ay walang iba kundi ang kanyang pagpapatugtog ng music, na siyang ayon pa kay Angge ay sariling kanta niya umano ang kanyang pinapatugtog.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ayon sa kaniya, “Dahil naranasan ko na mataranta kay Sylvio kapag pinaliliguan ko siya, ang ginawa ko, nakaisip ako ng isang paraan para medyo kalmado rin ang anak ko kapag pinaliliguan.”

“Nagpe-play ako ng music at tanong niyo kung ano yung kanta, syempre mga kanta ko,” dagdag pa niya.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Una yan sinubukan ko yung mga kanta lang na kalmado, yung hindi maingay yung nanay niya para syempre diba yung unak ko, medyo aware naman sya habang lumalaki siya na singer yung nanay nya,” pagpapatuloy niya.

Makikita sa video ang talagang pagiging hands-on ng celebrity mom, na kung saan ay mapapansin ang kanyang labis na pag-iingat at pag-aalaga sa kanyang anak.

The post Angeline Quinto, ibinahagi ang kanyang pamamaraan ng pagpapaligo sa kanyang baby na si Sylvio appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments