Ryzza Mae Dizon, binigyan ng kasiyahan ang kanyang pamilya at mga nagtatrabaho sa kanyang ipinapagawang bahay sa isang masayang bakasyon sa beach

Summer na summer na nga talaga sa bansa ngayon. At dahil sa patuloy na hatid na init ng panahon, ay marami sa mga sikat na personalidad sa showbiz ang talagang sinusulit ang panahon ng summer, upang makapag-relax, mag-enjoy, at magbakasyon sa mga naggagandahang lugar sa Pilipinas.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

At kung masaya at masarap na bakasyon lang rin naman ang hanap mo, ay tiyak na marami sa atin ang naghahanap rin ng magagandang tanawin at sariwang hangin.

Kaya naman ang dating child star at Eat Bulaga host na si Ryzza Mae Dizon ay sinulit na nga ang pagkakataong ito upang makapag quick getaway kasama ang kanyang pamilya.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Sa ibinahaging video ni Ryzza nito lamang ika-19 ng Marso sa kanyang YouTube channel, ay ibinahagi ng child star ang masayang beach getaway nila ng kanyang pamilya sa Subic.

Ngunit sa pagkakataong ito ay tila hindi lamang ang kanyang pamilya ang nakasama sa napakagandang beach na ito, kundi kanila ring naka-bonding ang kanilang mga workers na tumulong at gumawa sa ipinatayong dream house ni Ryzza para sa kanyang pamilya sa Pampanga.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Tila isang double celebration ang naganap, dahil bukod sa planong bakasyon kasama ang kanilang mga workers, ay kanila ring ipinagdiwang ang kaarawan ng isa sa mga kapatid ni Ryzza na si Nathan.

Sa simulang bahagi ng kanyang vlog ay makikitang kasama ni Ryzza ang kanyang pamilya, maging ang kanilang mga ‘Kuya Workers’ ay kanya ring ipinakilala sa video.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Mapapansin man ang pagiging mahiyain ng ilan sa kanilang mga workers ay makikita naman ang labis na pag-eenjoy ng mga ito sa kanilang munting bakasyon.

Samantala, makikita rin naman ang pagiging punong abala ng ina at kapatid ni Ryzza pagdating sa pag-iihaw ng kanilang mga pagkain, maging ang kanilang pagbili sa mga tindahan para sa mga kakulangan at kakailanganin pa sa kanilang naturang bakasyon.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube Channel

Bukod pa diyan ay ipinasilip rin ni Ryzza ang ilan sa kanilang mga masasayang bonding moments sa beach, maging ang napakagandang tanawin na makikita mula rito ay kanya ring ibinahagi.

Naging mabilis man ang kanilang pagbabakasyon, ay tila hindi naman mapapantayan nito ang tuwa at sayang inihatid ng kanilang magandang samahan at pag-eenjoy kasama mga taong naging bahagi na rin ng kanilang pamilya.

The post Ryzza Mae Dizon, binigyan ng kasiyahan ang kanyang pamilya at mga nagtatrabaho sa kanyang ipinapagawang bahay sa isang masayang bakasyon sa beach appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments