Juliana Gomez, ibinahagi ang throwback photo nila ng kanyang ama na si Richard Gomez kasabay ng selebrasyon sa naging ika-56 na taong kaarawan nito

Isa sa mga patuloy na hinahangaang personalidad sa mundo ng showbiz ay walang iba kundi ang aktor na si Richard Gomez. Tunay ngang isang mahusay at magaling na aktor si Richard, kung kaya naman ay marami din siyang mga naging tagahanga, lalo pa ng siya ay maging isa sa mga pinakasikat na leading man noong 90’s.


Credit: @richardgomezinstagram on Instagram

Hindi nga nakapagtataka na tinagurian ang aktor bilang “tall, dark, and handsome” dahil maliban sa pagiging mahusay na artista, ay hininangaan rin sya ng marami dahil sa kanyang taglay na kakisigan at kagwapuhan.

At taong 1998 nga ay maituturing na isa sa mga pinakamahalagang petsa at araw sa buhay ni Richard, dahil ito lang naman ang araw ng sila ay ikinasal ng kanyang napakagandang asawa na si Lucy Torres-Gomez.


Credit: @richardgomezinstagram on Instagram

Ang kanilang masayang samahan at wagas na pagmamahalan ay biniyayaan ng isang anak na babae na talaga namang ganap nang dalaga na si Juliana.

Si Juliana ay kasalukuyang nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sa kursong Public Administration, sa Unibersidad ng Pilipinas.


Credit: @gomezjuliana on Instagram

Samantala, hindi naman maitatangging maliban sa pagiging mapagmahal, supportive at responsible parents nina Richard at Lucy sa kanilang anak, ay kinilala rin ang dalawa bilang mga huwarang politiko na patuloy na naglilingkod ngayon sa Ormoc City.

At sa kabila ng pagiging abala sa kani-kanilang tungkulin bilang isang Mayor at fourth district representative, ang kanilang unica hija na si Juliana ay makikita naman ang pagiging proud daughter lalong-lalo na sa kanyang Daddy Richard.




Credit: @gomezjuliana on Instagram

Sa katunayan nga nito ay nagbahagi ng nakakaantig na litrato si Juliana sa kanyang Instagram post na may caption na, “Dad’s birthday”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Gomez (@gomezjuliana)


Sa litratong ito ay makikita ang mag-ama, na kung saan ay nakayakap sa likuran ni Juliana si Richard, habang ang dalawa ay may parehong may matamis na ngiti sa kanilang mga labi.

Sa throwback photo nila na ito ay talaga namang makikita ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa, na siyang makikita rin sa ikalawang litrato nila ang paghalik ng aktor sa pisngi ng kanyang unica hija.


Credit: @gomezjuliana on Instagram

Ang post nga na ito ni Juliana ay ang kanyang naging pamamaraan ng pagbati para sa ika-56 na taong kaarawan ng kanyang ama.

Hindi naman napigilan ni Richard na ipabatid sa kanyang anak ang labis nyang pagmamahal, sa pamamagitan ng kanyang iniwang komento sa naturang post nito.


Credit: @gomezjuliana on Instagram

Aniya, “Iloveyou ‘day!”

The post Juliana Gomez, ibinahagi ang throwback photo nila ng kanyang ama na si Richard Gomez kasabay ng selebrasyon sa naging ika-56 na taong kaarawan nito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments