Ivana Alawi, may pasilip sa kanyang napakagandang opisina at sa kanyang umuunlad na negosyo

Hindi lamang isang mahusay na aktres at sikat na vlogger si Ivana Alawi, kundi isa na ring CEO ngayon ng kanyang sariling negosyo.

Ayon kay Ivana, bata pa lamang daw siya noon ay pangarap at hilig na niya ang mga beauty products. Kaya naman ngayon sa kabila ng magandang karera ng aktres sa showbiz at vlogging, ay nagsimula na ring buuin ni Ivana ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling skin care products, ang ‘Ivana Skin’.

Pagbabahagi niya, “Noong bata ako sobrang hilig ko talaga sa skin care and nung bata ako, hiyang hiya ako sa skin ko. Hindi ako makapag sleeveless nahihiya talaga ako, wala akong confidence sa sarili ko at natuto akong alagaan ang sarili ko.”

At sa paglipas nga ng halos tatlong taon matapos sumubok na bumuo ng skin care formula, ay proud na ibinahagi ni Ivana na maging ang kanyang mga kaibigan at pamilya ang unang sumubok ng kanyang produkto, na kalaunan nga ay naging maganda ang resulta sa kanilang mga balat.

“Lahat kami ‘yun ang ginagamit kasi ayaw naming masira sa inyo. Kasi siyempre sa mukha muna namin kung may masis!ra, mukha namin hindi kayo. Eh kaso ‘yun nga ang effect sa amin maganda,” saad ng aktres.

Ngunit tila hindi pa diyan natatapos ang munting surpresa ni Ivana patungkol sa kanyang bagong negosyo. Dahil ang ‘Ivana Skin’ ay may sarili lang naman headquarters, na kung saan ito ang nagsilbing opisina ni Ivana at ng kanyang mga empleyado.

Sa panibagong vlog na ibinahagi ng aktres sa kanyang YouTube channel, ay ipinasilip ni Ivana ang kanyang mala elegant office headquarters na nagmistulang Paris, France dahil sa hatid na vibes nito na kung saan ay aakalaing ito ay isang bahay sa sobrang ganda.

Pinagsamang turquoise, gold, white ang makikitang kulay at tema sa nasabing opisina ng aktres na kung saan ang turquoise ang birthstone umano ni Ivana.



Pagpasok pa lamang sa kanilang headquarters ay unang bubungad sayo ang kanilang product library o ang kanilang testing area. Sunod naman ay ang kanilang common working area, na kung saan ay makikita naman mula rito ang tatlong malalaki at naggagandahang picture frame ng aktres.

Makikita rin sa kanilang opisina ang pantry area, powder room, washing area, coffee corner, at storage room.

Huling ipinasilip ni Ivana ang kanyang executive office na siyang makikita ang kagandahan ng kwarto, magmula sa napakagandang chandelier hanggang sa bawat litrato ni Ivana na makikita mula rito.

Todo naman ang suporta ng kanyang pamilya at maging ang kanyang mga tagahanga, sa tagumpay na nakamit ni Ivana at sa bagong negosyo na matagal na niyang pinapangarap.

The post Ivana Alawi, may pasilip sa kanyang napakagandang opisina at sa kanyang umuunlad na negosyo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments