Marian Rivera, napabilib sa ipinakitang husay at galing ng kanyang anak na si Zia sa kanilang masayang pottery bonding

Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay isa lang naman sa pinakahinahangaang aktres sa mundo ng showbiz, dahil sa kanyang kahanga-hangang kas3ksihan at mala diyosang kagandahan.


Credit: @marianrivera on Instagram

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktres ay hinangaan rin si Marian ng publiko, magmula sa kanyang pagiging hands-on mom at mapagmahal na asawa sa kanyang mister na si Dingdong Dantes.

Ang mag-asawang Marian at Dingdong ay isa lang naman sa mga celebrity couples na nagbigay inspirasyon at patuloy na hinahangaan ng marami dahil sa kanilang pagkakaroon ng isang masaya at matibay na samahan.


Credit: @marianrivera on Instagram

Ika-30 ng Disyembre ng taong 2014 ay ang petsa na ikinasal ang mag-asawa. At sa kanilang matamis at tunay na pagmamahalan sa isa’t-isa ay biniyayaan ang celebrity couple ng gwapo at magandang anak na sina Maria Letizia o Zia at Jose Sixto IV o Ziggy.

Hindi maikakaila na sa taglay na kagandahan at kagwapuhan ng mag-asawa ay siya rin namang namana ito ng kanilang mga anak, lalong-lalo na ang napakagandang panganay nila na si Zia.


Credit: @marianrivera on Instagram

Ngunit tila hindi lamang sa ganda at bibong personality ni Zia nahumaling ang kanyang mga tagahanga, dahil pati na rin sa pottery session nila ng kanyang Mommy Marian ay marami rin ang kanyang napabilib dahil sa kanyang ipinakitang husay at galing.

Sa ibinahaging Instagram post ng 37-year-old celebrity mom nito lamang ika-2 ng Abril, ay makikita ang kanilang mga adorable photos na magkasama na kuha mismo mula sa kanilang pottery workshop na pinuntahan.


Credit: @marianrivera on Instagram

Binisita nina Marian at Zia ang isang kilalang local pottery studio, ang Wabi Sabi studio na matatagpuan sa San Juan.

Kapansin-pansin sa mga litrato na masayang nag-eenjoy ang mag-ina sa kanilang mga nalikhang ceramic ware na talaga namang kahit sino ay mapapablib sa naging resulta ng kanilang mga nalikha.


Credit: @marianrivera on Instagram

Dahil dito ay hindi naman napigilan ng celebrity mom na maging proud sa kanyang anak na si Zia, habang ipinapakita ang kanilang mga gawa. Makikitang hindi lamang bagong bonding activity ang na-experience ng dalawa, kundi maging ang kanilang suot na floral dress ay magkapareho rin.


Aniya, “Trying out something new and learning together. Happy to experience this with you my Ate Z! (e yung mas magaling pa sya sa akin!?) Sana All!

Umani naman ng samu’t saring komento magmula sa mga netizens at ilan sa mga personalidad sa showbiz ang napakasaya at magandang litratong ito ng mag-ina, tulad na lamang nina Angel Locsin, Mariel Padilla, Bianca Gonzales, Joyce Pring at marami pang iba.




Credit: @marianrivera on Instagram

Komento ng mga netizens, “Grabe ang ganda ganda ng mag nanay 🥰🥰”.

“Ang saya! Galing ni ate Z! Loved it!😍👏👏👏


Credit: @marianrivera on Instagram

“Kambal!!😍 Good job ate Z👏🏻👏🏻manang-mana talaga kay mommy😍”.

“Woww galing naman ate zia❤magandang bonding with mommy walang arte talaga.. good job”.

The post Marian Rivera, napabilib sa ipinakitang husay at galing ng kanyang anak na si Zia sa kanilang masayang pottery bonding appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments