LJ Reyes, nagbahagi ng mga kaganapan sa buhay nya sa ibang bansa kasama ang mga anak na sina Aki at Summer

Isa ang Kapuso actress at celebrity mom na si LJ Reyes sa mga hinahangaang personalidad ngayon sa showbiz, dahil sa kanyang ipinakitang katatagan at pagiging isang mabuting ina sa kanyang mga anak.


Credit: LJ Reyes Youtube Channel

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na dumaan sa matinding pagsub0k ang aktres, na kung saan ay nasaksihan ng publiko ang lungk0t at sak!t na kanyang naramdaman sa naging hiwalayan nila ng kanyang long-time partner na si Paolo Contis.

Kaya naman sa kabila ng kanyang pinagdaanang kabiguan sa pag-ibig ay patuloy na lumal@ban at mas pinatatapang pa rin ang celebrity mom, na harapin ang bawat araw na lumilipas kasama ang kanyang mga anak.


Credit: LJ Reyes Youtube Channel

At sa paglipas nga ng halos anim na buwan simula ng lumipad patungong New York, USA sina LJ kasama ang kanyang mga anak na sina Aki at Summer, ay muli itong nagbahagi ng kanilang life update sa tahimik at payapang pamumuhay nila ngayon mag-iina sa ibang bansa.

Nito lamang ika-17 ng Marso, ay ibinahagi ng celebrity mom sa isang 9-minute vlog ang mga naging kaganapan sa kanilang pamumuhay doon.


Credit: LJ Reyes Youtube Channel

Mababasa sa naging description ni LJ sa kanyang YouTube vlog ay kanyang sinabi, “Kamusta ka?” Ito na yata ang lagi kong naririnig na tanong sa lumipas na 6 na buwan.”

“Ramdam ko ang pagmamahal at suporta nyo sa akin at sa mga anak ko kaya naman gustong ibahagi sa inyo kung gaano kaganda ang buhay sa mga nakaraang buwan. Sana ay maramdaman nyo ang taos puso naming pasasalamat sa munting handog namin na pagbabahagi ng aming simpleng buhay!” dagdag pa nito.


Credit: LJ Reyes Youtube Channel

Sa vlog na ito ay mapapanood ang ilan sa masasayang outdoor activities na ginawa ng mag-iina, pati na rin ang masayang bonding moments ng magkapatid na sina Aki at Summer.

Ilan sa kanilang masasayang bonding moments noong August 2021 ay ang sama-samang pag-eenjoy ng mag-iina sa playground, ang paglalaro ng bowling at arcade ng magkapatid, pati na rin ang masayang outdoor tennis, photosh0ot at pagpunta sa forest na ginawa nila buong family.

Samantala, bahagi rin ng ibinahagi na video ni LJ ay ang nakakatuwa at nakakaantig na eksena ng celebrity mom at ni Summer, na kung saan ay makikita ang kanilang naging pag-uusap sa nagdaang pagdiriwang ng Thanksgiving Day.

Hindi napigilan ni LJ na matawa sa naging kasagutan ng kanyang anak sa kanyang katanungan patungkol sa kung sino ang labis na pinapasalamatan nito.




Credit: LJ Reyes Youtube Channel

At ng isagot ng ani Summer na ang kanyang mommy ang taong kanyang pinapasalamatan, ay hindi naman maitatago ang labis na tuwa na naramdaman ng celebrity mom.

Aniya, “You’re so sweet love. I’m thankful for you and Aki.”


Credit: LJ Reyes Youtube Channel

Sa hulihang bahagi naman ng kanilang Life update sa New York, ay makikitang sinorpresa ni Summer ang kanyang mommy LJ ng bulaklak at chocolate na labis naman ikinatuwa ng aktres.

Mababasa naman sa huling bahagi ng kanilang vlog ang naging pahayag ng aktres ng kanyang sabihin na, “Kaya ko… dahil kayo ang lakas ko.”

The post LJ Reyes, nagbahagi ng mga kaganapan sa buhay nya sa ibang bansa kasama ang mga anak na sina Aki at Summer appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments