Robi Domingo, ipinasilip ang napakaganda at napakalawak na farm ng kanilang pamilya

Hindi maikakaila na isa si Robi Domingo sa mga pinakapopular at matagumpay na aktor, VJ, at TV host sa talent reality competition na Pinoy Big Brother. Nagsimula ang kanyang karera matapos ipamalas ang kanyang talento at magwagi bilang 1st runner up sa Teen Edition Plus ng naturang kompetisyon.


Credit: Robi Domingo Youtube Channel

Tunay ngang napakalayo na ng kanyang narating na tagumpay sa kanyang tinatahak na karera. At sa kabila ng kanyang natamong kasikatan ay hindi maikakailang natamo rin ng kanyang pamilya ang karangyaan, buhat ng kanilang pagtitiyaga at pagsusumikap sa buhay.

Kaya sa unang pagkakataon ay proud na ipinasilip ni Robi ang kanilang napakaganda at napakalawak na family farm sa Pulilan, Bulacan ang The Eusebios Big Ben Farm.


Credit: Robi Domingo Youtube Channel

Sa ibinahaging vlog ng TV host nito lamang April 9, ay kanyang inilahad na hango ang pangalan ng kanilang family farm sa Big Ben of London na siyang pinakamamahal umano ng kanyang Tita.

Aniya, “My Tita yung inspiration dun, she loves the Big Ben of London and then ginamit nya yung pangalan na ‘yun sa iba’t-ibang businesses ng mga family namin.”


Credit: Robi Domingo Youtube Channel

“Never ko ‘tong ni-release kasi ayaw nilang sabihin but they finally said yes and sinabi nila na ‘Sige we can talk about the fruits of our labor’,” dagdag pa niya.

Ang Pulilan ay isa sa mga lugar na malapit sa puso ni Robi, kaya naman ganoon na lamang ang kanyang tuwa at labis na kaligayahan na maibahagi sa publiko ang lugar na kung saan siya lumaki.


Credit: Robi Domingo Youtube Channel

Pagbabahagi niya, “Pulilan is one of the places closest to my heart kasi dito ako lumaki about 3 years of my life sa mom side.”

At magmula sa kanilang nakakamamangha at napakalawak na farm sa Bulacan, ay isa lamang sa makikita rito ay ang kanilang chicken farm, na kung saan ang kanilang mga alagang manok ay hindi pang business kundi para sa kanilang personal consumption.




Credit: Robi Domingo Youtube Channel

“Yung mga eggs na nakukuha namin sa farm ay hindi siya binebenta, it’s not for commercial use. Ginagamit siya para sa amin and para sa mga trabahador. It’s for our personal consumption,” ani ni Robi.

Maliban sa kanilang chicken farm ay makikita rin dito ang kanilang piggery farm, memorial area at training field na dati umanong polo area ng kanilang family farm.


Credit: Robi Domingo Youtube Channel

“Dati ito yung ginagawa nilang area kung saan nagpo-polo talaga, and then nung nabili na yung isang lote, ginawa nila itong practice area or dito tine-train yung mga bagong na-acquire na kabayo.”

Talaga nga namang nakakatuwang makakita ng ganitong kaganda at kalawak na farm, kaya para kay Robi ang Eusebio Big Ben Farm ang isa sa kanyang pinagkukuhanan ng inspirasyon upang magpatuloy at pagbutihin ang kanyang trabaho.


Credit: Robi Domingo Youtube Channel

“Whenever you go here, this place never fails to amaze me. Talagang natutuwa pa rin ako – pero na-realize ko din na whenever I go here, nakaka inspire yung Eusebio Family kasi grabe yung gigil nila sa pagtatrabaho. But at the same time, they remain humble.”

The post Robi Domingo, ipinasilip ang napakaganda at napakalawak na farm ng kanilang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments