Sarah Lahbati, ibinahagi ang masayang bakasyon kasama ang pamilya kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang asawa na si Richard Gutierrez

Sa unang buwan pa lamang ng pagsisimula ng taong 2022 ay agad ngang lumikha ng masaya at hindi malilimutang alaala, ang celebrity couple na sina Sarah Lahbati at kanyang asawang aktor na si Richard Gutierrez.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Ang masayang beach trip at adventure ay hindi na nila pinalagpas pa na kung saan nga ay masaya nilang sinulit ang bawat oras at panahon, na sila ay makapagbakasyon kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Nito lamang ika-19 ng January ay masayang nagbakasyon ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak sa isang kilala at napakagandang beach sa bansa na walang iba kundi ang El Nido, Palawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Nagbakasyon ang kanilang pamilya hindi lamang para makapag relax at makapag-unwind, kundi isa rin sa dahilan ay ang pagdiriwang ng ika-38 na kaarawan ni Richard noong January 21.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Kaya naman upang mas maging kapana-panabik at maging memorable ang kanilang masayang trip, ay sinulit na nina Sarah at Richard ang kanilang beach vacation sa pamamagitan ng pagbabahagi nang kanilang mga larawan sa social media.

At dahil kilala ang El Nido sa mga naggagandahang lagoons, white sand beaches, rocky islets, at towering limestone cliffs, ay hindi rin nagpahuli ang mag-asawa na i-try ang isa sa mga magandang beach sa Lihim Resorts.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

“fam quality time, amazing views, good food and the best service” ang naging pahayag ni Sarah ng kanyang ibahagi ang kanilang mga litrato habang magkasamang in-eenjoy ang kanilang masayang beach trip.

Maliban pa diyan ay makikita rin ang ilan sa mga magaganda at s3ksing litrato ng celebrity mom, habang suot-suot naman ang kanyang mga two-piece swimsuit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Tila isang masayang family beach trip ang kanilang ginawa, na siya namang makikita sa kanilang masasayang ngiti, lalo pa’t kasabay rin nito ang pagdiriwang ng kaarawan ni Richard.

Samantala, isa namang nakakakilig at puno ng pagmamahal na mensahe ang siyang ipinaabot ni Sarah para sa kaarawan ng kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Ayon sa kanya, “Happy birthday, my love. Lucky to be your wife and best friend. Zion, Kai & I love you so much! May God continue to bless & guide you and may all your dreams come true.”

Magmula sa kanilang masayang bakasyon sa Palawan, hindi naman naiwasan ng ilang mga Netizens na mamangha sa ganda ng lugar at matuwa sa muling pagbabakasyon ng kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


“Amazing family ❤❤

“Sana all laging nagbabakasyon🥰 fav. Couple❤

“This what im talking about foods my favorites.”




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Samantala, hindi naman nakalampas sa paningin ng ibang mga netizens ang naging komento ng kapatid ni Richard na si Ruffa, nang mag-iwan ito ng komento at sinabing, “Woohoooo!! Helloo baby number 3!”

Kaya naman marami ang na-excite kung masusundan na nga ba at magkakaroon na ng baby sister ang magkapatid na sina Zion at Kai.

The post Sarah Lahbati, ibinahagi ang masayang bakasyon kasama ang pamilya kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang asawa na si Richard Gutierrez appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments