Aktres na si Cristina Gonzales, may pasilip sa kaniyang napakagandang classic modern style na bahay

Marami sa mga naggagandahan at maamong mukha sa industriya ng showbiz ang labis na hinangaan ng publiko noong 90’s.


Credit: Cristina Gonzalez Romualdez Youtube

Kabilang na rito ay ang aktres na si Cristina Gonzales, na labis na hinangaan ng nakararami dahil sa kanyang taglay na kagandahan at isa rin sa mga kababaihan na may anking kas3ksihan.

Ang kanyang kagandahan ay mas lalo pang pinalutang ng kanyang mestiza at napakakinis na kutis, na talagang ang kahit sino ay mapapaisip kung ano ang kanyang sikreto.


Credit: Cristina Gonzalez Romualdez Youtube

Unang nakilala si Cristina bilang isa sa mga mahinhin na aktres magmula sa mga pelikula na kanyang ginawa, at kalaunan ay naging isang ‘calendar girl’ ng isa sa mga sikat na brand ng inumin.

Simula ng ikasal si Cristina sa isang politician na si Alfred Romualdez, ay dito na rin pansamantalang iniwan ng aktres ang pag-aartista at pinasok naman ang pagpo-p0litika.


Credit: Cristina Gonzalez Romualdez Youtube

Hindi nagtagal ay nakamit niya ang posisyon bilang konsehal ng Tacloban at makalipas ng ilang taon ay nakuha niya rin ang puwesto bilang mayor simula taong 2016 hanggang 2019.


Credit: Cristina Gonzalez Romualdez Youtube

Samantala, upang lubusan namang makilala at malaman ang personal na buhay ni Cristina, ay isa namang munting pasilip ang kanyang ginawa matapos ibahagi ng aktres sa kanyang manonood ang kanilang munting tahanan.




Credit: Cristina Gonzalez Romualdez Youtube

Sa kanyang vlog ay ipinasilip ng aktres ang kanyang humble home, na kung saan ay mababatid pa rin ang kasimplehan at pagiging elegante ng kanyang tahanan.

Bago makapasok sa loob ng kanilang bahay ay unang sasalubong sayo ang kanilang foyer, na nakapaloob ang isang classic modern style na disenyo at vibes nito magmula pa lamang sa flooring, maging ang ilan pa sa kanilang mga kagamitan ay ganoon din.

Kapansin-pansin naman ang ilan sa mga picture frames na naka-display sa kanilang bahay, na kung saan ang isa rito ay litrato pa noong 1st birthday party ni Cristina at ang litrato na kasama naman niya ang isa sa kanyang mga anak na si Sophia.


Credit: Cristina Gonzalez Romualdez Youtube

Pagdating naman sa kanilang living area, ay mapapansin rin ang kanilang malawak at malaking white sofa na binagayan naman ng makukulay na unan.

Kalapit naman nito ay ang isang piano, na ayon sa aktres ang kaniyang mga anak ang madalas na gumamit nito.


Credit: Cristina Gonzalez Romualdez Youtube

Sunod din niyang ipinakita ang kanilang lanai, dining table at kitchen na isa sa mga favorite spot ni Cristina sa loob ng kanilang munting tahanan.

Hindi man lubusang naipasilip ng buo ang kanilang bahay ay ipinahayag naman ni Cristina, na balang araw ay kanyang maipapasilip rin ito sa publiko.

The post Aktres na si Cristina Gonzales, may pasilip sa kaniyang napakagandang classic modern style na bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments