Bea Alonzo, masayang sinalubong ang bagong taon sa isang napakagandang beach house kasama ang pamilya at kasintahang si Dominic Roque

Bahagi na ng buhay nating mga Pilipino ang paghahanda at pagdiriwang ng mga espesyal na araw at kaganapan sa ating buhay kasama na rito ang kapaskuhan at bagon taon.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Iba-iba man ang pamamaraan, ngunit kalakip naman ang naghihintay na bagong panimula at pag-asa sa buhay ng bawat isa.

At sa pagsapit nga ng bagong taon, ay bahagi na ng ating tradisyon ang pagkalembang ng mga kampana sa simbahan, pag-ihip sa bawat nakahandang torotot at ang pagsisindi ng mga makukulay at maliliwanag na f!reworks.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Ang sama-samang paggunita sa pagpasok ng bagong taon ang siyang naging paraan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa pagsalubong ng bagong taon ay masayang nakasama ni Bea ang kanyang buong pamilya at kasintahang si Dominic Roque, sa isang masaya at hindi malilimutang bakasyon sa Sirom Beach House Resort na matatagpuan sa Dasol, Pangasinan.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Ang kaganapan sa kanyang new year celebration ay masayang ibinahagi ng aktres sa kanyang YT channel, na kung saan ay ipinakita ni Bea ang ilan sa kanilang masasayang bonding moments buong pamilya.

Bago ang pagpunta sa nasabing beach ay tila naging sentimental naman si Bea, ng kanyang balikan ang kanilang naging masayang roadtrip ni Dominic noong sila ay minsang magbakasyon sa California.




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Aniya, “Roadtrip all over again. Just like old times. Just like in Cali.”

Samantala, ay ibinahagi rin ni Bea ang isang eksena na kung saan ay kanyang tinanong si Dominic kung ano ang new year’s resolution nito ngayong taong 2022.

Ayon sa aktor, ang pag-eehersisyo at mapanatili ang kanyang body figure ang siyang nais niyang makamit ngayong taon.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Ayon sa kanya, “To workout at least 4 times a week. Healthier me.”

Isang intimate at masayang family dinner sa beach ang ginawa nina Bea kasama ang kanyang pamilya, bago salubungin ang bagong taon.

Kasabay ng pagtatapos ng taong 2021, ay tinapos rin ni Bea ang kanyang vlog sa pamamagitan ng pagpapasilip sa kanyang mga 2021 highlights, kabilang na dito ang kanyang California trip, ang pagiging bagong miyembro ng Kapuso family, at ang pagkilala at pakikisalamuha sa bagong tao na kanyang nakilala at dumating sa kanyang buhay.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Aniya, “My 2021 in one minute. What a year it has been! Many decisions had to be made, the ones that changed me. But where there is change, there is growth. And when you are uncomfortable, that is when you really can get to know yourself better, and you can finally let love in.”

The post Bea Alonzo, masayang sinalubong ang bagong taon sa isang napakagandang beach house kasama ang pamilya at kasintahang si Dominic Roque appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments