Anne Curtis at Erwan Heussaff, masayang ipinasilip ang kanilang napakaganda at napakalamig na staycation sa isang glass igloo hotel

Kung sa Pilipinas ay ating nararanasan ang tag-araw at tag-ulan, tila mayroon namang ibang bansa ang siyang nakararanas ng pag-ulan ng nyebe o mas kilala sa tawag na snow.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Karamihan sa atin ay bata pa lang, pinapangarap na ang makapunta sa ibang bansa upang maranasan na makahawak at makakita ng snow.

Kaya naman hindi kataka-takang marami sa atin ang na-eengganyo sa tuwing nakakakita ng snow, mapa-telebisyon man o social media ay talagang iba ang hatid na kasiyahan nito sa bawat isa.


Credit: @erwan on Instagram

Kaya naman ang celebrity couple na sina Anne Curtis at asawang si Erwan Heussaff, ay hindi na pinalagpas pa ang pagkakataong ito at sinulit ang kanilang masayang bakasyon sa ibang bansa kasama ang kanilang anak na si Dahlia.

Ang kanilang masayang pagbabakasyon ay tila nauwi nga sa isang malamig na snow experience, na kung saan ay makikitang nagbakasyon ang kanilang pamilya sa isang glass igloo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)


Makikita sa magkahiwalay na Instagram post nina Anne at Erwan, na sila ay nag-stay sa isang Levin Iglut – Golden Crown na isang exclusive glass igloo hotel na matatagpuan sa Finnish Lapland sa Finland.




Credit: @erwan on Instagram

Kapansin-pansin na sa bawat videos at litrato, ay talaga namang nag uumapaw sa tuwa at saya ang kanilang mga ngiti, lalo na si Dahlia na tila ito nga ang kanyang kauna-unahang beses na makita at ma-experience ang snow sa ibang bansa.

Patunay na lamang nito ang isang larawan na kung saan ay makikitang magkahawak kamay sina Anne at Dahlia, habang masayang in-eenjoy ang paglalakad sa snow na siyang inilarawan ng aktres bilang “Like walking on clouds”.


Credit: @erwan on Instagram

Samantala, may isang video rin naman na kung saan ay makikita ang napaka-cute na si Dahlia na sakay-sakay ng isang pink snow sled, habang siya ay dahan-dahang hinihila ng kanyang Mommy Anne sa lubid na nakakabit mula dito.

Maririnig ang cute at maliit na tinig ni Dahlia habang binibigkas ang salitang “ready”.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Dahil dito ay marami na naman sa mga Netizens ang hindi naman napigilang mapa sana all sa kanilang masaya at napakagandang staycation sa Finland.

The post Anne Curtis at Erwan Heussaff, masayang ipinasilip ang kanilang napakaganda at napakalamig na staycation sa isang glass igloo hotel appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments