Pangarap na napakagandang sasakyan ng komedyanteng si Donita Nose, masayang ipinasilip kasama si Super Tekla

Tunay ngang hindi magiging madali ang daan patungo sa pag-abot ng ating mga pangarap sa buhay. Dahil kaakibat nito ang pagsusumikap at sakr!pisyo na siyang kinakailangan upang maisakatuparan ang pangarap na inaasam.


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Katulad na lamang ang TV host at komedyanteng si Donita Nose, na sa kabila ng kanyang pinagdaanang hirap at pagsusumikap sa buhay ay unti-unti na niyang na-aabot ang kanyang mga pangarap.

Kung si Donita ay hatid ang katatawanan at kasiyahan sa mga taong kanyang napapangiti at napapaligaya, ngayon naman ay makikitang ang komedyante ang napangiti at napasaya sa panibagong biyaya na dumating sa kanya ngayong pagpasok ng taong 2022.


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Sa kanilang sariling YT channel ng kanyang ‘beshy’ at ‘ka-tandem’ na si Super Tekla, ay masayang ibinahagi ni Donita ang biyaya na kanyang natanggap, na siyang isa sa kanyang matagal ng pinapangarap.

At ito nga ay isang bagong sasakyan, na kung saan ay pinangalanan ni Donita bilang si Daniela.


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Ang bagong miyembro at baby na mapapabilang sa kanilang tandem na Donekla na si Daniela, ay isang napakaganda na brand new white Nissan Terra VL.

Isa sa mga pangarap ng komedyante ay ang makabili ulit ng isang sasakyan pa, bukod sa kanyang dating sasakyan na pinangalanan naman niya bilang si Daniel.


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Aniya, “Syempre kasi ito yung pangarap ko din, tsaka sabi ko nga anim na taon ng nasa akin si Daniel.”

Ayon kay Donita, ay labis niya umano pinag-isipan ang pagbili ng sasakyang ito na siyang halos isang taon rin niyang pinag-ipunan.




Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Kwento ni Donita, “Alam mo talagang pinag-isipan kong maayos ‘to kung talaga bang bibilhin ko ba o kailangan ko ba – nahihiya ako pero, nakaka-proud kasi ito talaga yung pinag-ipunan ko ng isang taon.”

Kaya naman sa kabila ng kanyang h!rap at pagsusumikap sa kanyang trabaho ngayon, ay tunay ngang “deserve” ni Donita ang mabigyan ang kanyang sarili ng isang bagong sasakyan.

Bilang isa sa matalik na kaibigan ng komedyante na si Tekla, makikita ang labis na kasiyahan at pagiging proud nito sa bagong biyaya na natanggap ng kanyang kaibigan.


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Aniya, “bihira ang magkaroon ng ganito, marami ang nagkukumahog na magkaroon ng sariling sasakyan, but you deserve it and I’m so happy for you.”


Credit: Donekla in Tandem Youtube Channel

Kaya naman tunay nga ang kasabihan ng karamihan, na hindi na baleng mataas ang iyong pangarap basta alam mo sa iyong sarili na ito ay mangyayari basta may sakripisyo at pagsusumikap.

The post Pangarap na napakagandang sasakyan ng komedyanteng si Donita Nose, masayang ipinasilip kasama si Super Tekla appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments