Dianne Medina, proud na ibinahagi ang mga nakabibighaning throwback photos ng kanyang Mommy na talagang kahawig nya

Hindi maikakaila na halos karamihan sa atin ang humahanga sa natatanging ganda at maamong mukha ng ating mga iniidolong artista sa mundo ng showbiz.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Ngunit, sa kabila ng kanilang mga natatanging ganda ay dumaan rin sila sa puberty stage, na ayon pa nga sa biro ng iba ito nga ay “gandang ‘di mo inakala”.

Ganunpaman, ay ating ibahin ang aktres at celebrity mom na si Dianne Medina, dahil ang kanyang angking ganda ay may pinagmanahan naman pala.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Marami na ang nagpatunay sa kasabihang “like mother, like daughter”, na kung saan ang ibig sabihin ay halos katulad ng ina ang kanyang anak.

Madalas na ikinukumpara ang ugali ng anak sa magulang partikular sa kanyang ina, magmula pa lamang sa pananamit pati na rin ang bawat hilig.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Sa katunayan, ang kasabihang ito ay ating madalas marinig sa tuwing inihahambing ang itsura ng anak sa kanyang magulang.

Kaya naman tulad ni Dianne, ang kanyang taglay na kagandahan ay namana niya pala sa kanyang mother in Heaven na si Mommy Vicky.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Patunay lamang nito ang mga litratong ibinahagi ni Dianne sa kanyang Instagram, na kung saan ay kanyang binati ang ina sa kaarawan nito kalakip ang mga throwback photos ng kanyang ina noong dalaga pa lamang ito.

Ayon sa inilagay na caption ni Dianne sa kanyang post, “Happy Happy Birthday to my beautiful Mommy!!! I love you so much Mommy!!! Forever in my Heart”


Makikita sa bawat litrato na talaga namang kamukhang-kamukha ng aktres ang kanyang Mommy Vicky, na siyang walang duda na tila parang magkakambal lang ang mukha ng mag-ina.

Dahil dito ay marami na naman sa mga Netizens ang nabighani sa taglay na ganda ng ina ni Dianne, na ayon pa sa komento ng ilan ay kasing ganda rin ng aktres ang kanyang ina.




Credit: @dianne_medina on Instagram

“hala ang ganda niya po sobra😍😍😍

“iisa ang mukha nyo ms.diane ang ganda🥰

“kamukha mo mommy mo 🙂 beautiful rin”


Credit: @dianne_medina on Instagram

Hindi man muling personal na makakasama ni Dianne ang kanyang ina, ay malaki pa rin ang kanyang pasasalamat lalo na sa Panginoon sa ilang taon na ipinagkaloob nito upang makasama niya ang kanyang ina.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Aniya, “Because of what happened to my mom, nalaman ko what is my real purpose in life. My purpose is to serve our Lord Jesus Christ, and everything else is just secondary. My career, my showbiz career, my hosting career, lahat ito, everything else is just secondary.”

The post Dianne Medina, proud na ibinahagi ang mga nakabibighaning throwback photos ng kanyang Mommy na talagang kahawig nya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments