Bea Alonzo, ipinasilip ang kanilang bagong Chapel na itinayo mismo sa loob ng kanilang napakalawak na farm kasabay ng kanilang pagdiriwang ng holiday kasama ang buong pamilya

Tila ang taong 2021 ay punong-puno ng saya at biyaya para sa bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo. Sa kanyang paglipat sa kabilang network, ay kasing dami rin nito ang kanyang natanggap na mga bagong proyekto at endorsements na talaga namang nag-iwan ng kakaibang highlight sa buhay ngayon ng aktres.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Ngunit bago pa man tuluyang salubungin ang taong 2022, ay naghatid muli ng panibagong tuwa at kilig ang magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang mga fans.

Simula ng kanilang isapubliko ang kanilang relasyon ay talaga namang makikita sa dalawa kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t-isa. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit naging malapit rin ang kani-kanilang pamilya.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kamakailan nga ay agaw-pansin sa social media ang masaya at nakakakilig na Christmas celebration ng pamilya nina Bea at Dominic, na kung saan ay magkasama ang kanilang buong pamilya sa pagsalubong ng Kapaskuhan sa sariling farm ng aktres sa Beati Firma.




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kasamang sinalubong ng pamilya nina Bea ang mga magulang at tatlong kapatid ni Dominic upang magbakasyon sa katatapos lamang na holiday season.

Sa kanilang masayang pagsasama buong pamilya, ay ipinasilip ni Bea sa kanyang latest vlog ang kanilang mga masasayang happenings sa pagsalubong ng Kapaskuhan.

Makikitang sama-samang nagsimbang gabi ang pamilya nina Bea at Dominic sa bagong tayo na little chapel sa farm ng aktres, na sinundan pa ng isang masayang kainan at iba’t-ibang palaro na kanilang pinagsaluhan.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Hep Hep Hooray, trip to Jerusalem, pinoy henyo, category game, Ms. Gay Lotto ang kanilang naging palaro noong gabi ng Noche Buena.

Matatandaan na ang makulay at masayang buhay pag-ibig ni Bea sa piling ni Dominic ay nalantad sa publiko noong nakaraang taon, na nagbigay ng kakaibang tuwa at saya para sa kanilang mga tagahanga.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Bukod sa masayang selebrasyon ay ipinasilip din ni Bea Alonzo ang bagong Chapel na kanilang ipinatayo sa loob mismo ng kanilang farm. Napakaganda nga naman talaga nito na kanila mismong nagamit agad sa kanilang simbang gabi.

The post Bea Alonzo, ipinasilip ang kanilang bagong Chapel na itinayo mismo sa loob ng kanilang napakalawak na farm kasabay ng kanilang pagdiriwang ng holiday kasama ang buong pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments