Anak ni Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, may cute at nakakatuwang reaksyon sa muling pagkikita nila ng kanyang Kuya Vico Sotto

Marami ang humahanga sa masipag at madiskarteng Mayor ng Pasig City na si Vico Sotto. Talaga nga naman kasing hindi maitatanggi ang taglay na kagwapuhan ni Mayor Vico, na kung saan ay namana niya sa kanyang ama na si Bossing Vic Sotto.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Ngunit sa kabila ng kanyang magagandang katangian, nananatili pa ding “single” si Mayor Vico, sa kadahilanang focus niya raw muna ang kanyang ginagampanang tungkulin ngayon.

Kaya naman kahit busy sa kanyang trabaho ay hindi naman nakakaligtaan ni Mayor Vico ang kanyang tungkulin bilang isang mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang.


Sa katunayan nga nito, ay muling binisita ni Mayor Vico ang kanyang ama na si Bossing Vic nito lamang nagdaang New Year’s Eve upang makasama at makakwentuhan ito.

Matatandaang nakasama na ni Bossing Vic ang kanyang anak sa dating asawa na si Coney Reyes, na kung saan ay sa kabila ng pagiging abala ni Mayor Vico sa kanyang trabaho ay mayroon pa rin itong inilaan na oras upang makasama sa lunch si Bossing Vic, Pauleen Luna pati na rin si Tali.




Credit: @vicosotto on Instagram

Kaya ngayon, ay tila isa na namang masayang pagtatagpo muli ang siyang ating masasaksihan, dahil sa muling pagsasama ng mag-ama ay isang nakakatuwang reaksyon naman ang namutawi sa napaka-cute na si Tali.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto)


Sa muling pagbisita ng kanyang Kuya Vico, ay tila napagkamalan nga ni Tali na kanyang Daddy Vic raw umano ang kanyang Kuya Vico dahil sa taglay na pagiging magkamukha ng dalawa.

Sa larawang ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram, ay makikita ang larawan nina Bossing Vic, Mayor Vico at Tali na nakatayo at masayang nakangiti sa larawan.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Ngunit sa kabila ng kanilang litrato magkakasama ay ang siya namang nakakatuwang reaksyon ni Tali pagkakita sa kanyang Kuya Vico at sinabing, “Kuya Vico looks like daddy!”

Talaga nga namang hindi maikakaila ang pagiging magkamukha nina Bossing Vic at Mayor Vico, na ayon pa sa mga kumento ng mga Netizens ang dalawa raw ay parang “Kambal” talaga kung titingnan.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

“Nalito ako kung cno ang original. 🤣🤣🤣Twinnings 🤩🤩🤩

“Our Mayor @vicosotto sya talaga carbon copy ni bossing❤😍😍


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

“they all have the same smile!😊 Happy New Year Sotto Family!🎉🎉

“Napaka pogi ng mga Sotto. Tali is Super sweet po ms.pau. Gandang bata.”

The post Anak ni Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, may cute at nakakatuwang reaksyon sa muling pagkikita nila ng kanyang Kuya Vico Sotto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments