Rodjun Cruz, muling nakapiling ang asawang si Dianne Medina at anak na si Joaquin, matapos ang higit isang buwan nilang hindi nagkasama dahil sa trabaho

Sa nalalapit na pagsapit ng Pasko ay talaga namang marami ang nasasabik nang magdiwang ng espesyal na araw na ito kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Kaya naman bago ang pagsapit ng kapaskuhan, ay tila napuno na nga ng kilig at saya sa tahanan ng pamilya Illustre, na kung saan ay makalipas ang higit isang buwan na hindi nakauwi ang aktor na si Rodjun Cruz dahil sa kanyang lock-in taping para ‘Little Princess’, ay sa wakas muli na niyang makakasama ang kanyang mag-ina.

Sa kanyang pag-uwi, ay isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Rodjun mula sa kanyang asawa na si Dianne Medina.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Sa Instagram, aang isang video ang ibinahagi ng aktres na kung saan ay makikita ang kanyang dali-daling pagbaba ng kanilang hagdanan, upang salubungin ng isang mahigpit na yakap ang kanyang asawa.

Sa kanilang mahigpit na yakap, ay tila mababakas sa kanilang mga mukha ang labis na pagkamiss sa isa’t-isa at ang tuwa sa kanilang muling pagkikita.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Pagbabahagi ni Dianne, “After 40 days of not seeing each other yehey finally my husband @rodjuncruz is HOME from his l0ck in taping. Love you so much! So happy! My heart is Full! Thank you Lord for everything.”


Maliban sa nakakakilig at nakakatuwang pagtatagpo ng mag-asawa, ay makikita rin ang mga larawan na kasama ni Rodjun ang kanilang anak na si Baby Joaquin na mahimbing na natutulog sa kanyang d!bdib.

Dagdag pa ni Dianne, “Sorry had tocut the video and put music (nagising si joaquin umiyak) hahaha nataranta kami when I heard Rj’s voice. Lahat excited! Buti may naka standby to record and document everything. #Grateful #Blessed”




Credit: @dianne_medina on Instagram

Sa kanilang nakakakilig na pagtatagpo ay marami naman sa mga netizens at kaibigan nina Dianne at Rodjun sa showbiz ang nagbigay ng kanilang mga komento sa naging reunion ng mag-asawa.

Kabilang na dito ang aktor na si Arron Villaflor, Mark Herras at co-stars ni Rodjun sa Little Princess na sina Jo Berry at Juanco Triviño.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Kumento naman ng mga netizens, “Awwwssss bakit ako naluha😅💖💖💖

“Kakiligggg😍😍😍😍

“Ang sweet😍😍😍😍

The post Rodjun Cruz, muling nakapiling ang asawang si Dianne Medina at anak na si Joaquin, matapos ang higit isang buwan nilang hindi nagkasama dahil sa trabaho appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments