Pokwang, ibinahagi ang pagkahilig ng kanyang anak na si Malia sa pagkain ng Pipino

Tunay ngang pag usapang kainan, bida ang Pilipinas dyan!

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na likas na sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa mga pagkain, at pagtuklas ng mga masasarap na putahe na kabilang sa ating kultura.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Iba’t-ibang pamamaraan ng pagluluto ang nakakahiligan at mga pagkaing maya’t-maya ay binabalikan. Tulad nga ng mga hugot ng mga kalalakihan at kababaihan na “Sana all binabalikan”, ay tila ganyan nga mailalarawan ang pagkahilig nino man sa mga pagkaing ating nakasanayan o ‘di naman kaya ay mga paboritong pagkaing inihahanda ni Inay at Itay sa hapagkainan.

At kung ang pag-uusapan lang rin naman ay paboritong pagkain, tiyak na kahit sino ay maraming masasabi at maihahain. Dahil kung marami sa atin ay hilig ang pagkain ng matatamis at junk foods, tila ibahin naman ang napaka-cute na bunsong anak ng komedyanteng si Pokwang na si Malia O’Brian.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Si Malia ay kilalang si ‘Tisay’ ng kanilang pamilya, dahil sa taglay na mala labanos niyang kutis na namana sa kanyang ama na si Lee O’Brian, ay taglay niya rin ang pagiging bibo at malusog na bata.

Dahil ‘yan sa kanyang hilig sa mga masusustansyang pagkain, kung kaya’t marami sa kanyang mga tagahanga ang napabilib na sa murang edad pa lamang ay imbis na junk food ang kinakain, ang pagkain ng pipino ang kanyang pinaka paborito.




Credit: @itspokwang27 on Instagram

Patunay na lamang nito ay ang video ni Malia, na kung saan ay makikita ang kanyang maganang pagkain ng pipino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Kalakip ang bidyong ito na ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account ay ang caption na, “dugong pilipino paborito ay pipino @malia_obrian”.

Sa murang edad pa lamang ni Malia, ay makikitang likas na sa kanya ang pagkain ng mga gulay at prutas na siyang isa sa mga itinuturo ng kanyang Mama Pokwang.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Dahil dito ay marami na naman sa mga netizens ang napabilib at humanga sa taglay na kakyutan at pagkahilig ni Malia sa pagkain ng gulay.

“So cute and such a healthy eater! Glad she loves veggies and fruits!❤😍




Credit: @itspokwang27 on Instagram

“Wow very good girl👏👏👏😍eating the pipino i love the way you eating 🤗😘

“Kasarap kumain n bebegurl❤😍

“Oohhmmmm nkakagigil Kang Bata ka apaka cute mo 😍”.

The post Pokwang, ibinahagi ang pagkahilig ng kanyang anak na si Malia sa pagkain ng Pipino appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments