Paolo Ballesteros, proud na proud sa kanyang napakaganda at napakatalinong anak na si Keira Claire dahil sa pagiging 1st honor nito sa klase

Proud parent ang ating Eat Bulaga host, actor, at make up artist na si Paolo Ballesteros sa kanyang post sa Instagram. Sino nga bang magulang ang hindi magiging proud kung makikita mong napaka taas nang grado ng iyong anak?


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Buong pagmamalaking ipinakita ni Paolo ang report card nang kanyang anak na si Keira Claire. Sabi pa nya sa post:

“GOOD MORNENG! Flex ko lang yung 1st honor kong junakiz i love you anak berigood”


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Makikita sa mismong litrato na naipost ni Paolo na ang General Average ng grade ng kanyang anak ay letter “A” nan aka convert sa numeric grade na 93.4417. Talaga nga namang napaka taas diba?


Credit: @pochoy_29 on Instagram

“Galeng”, ani ni Ryan Agoncillo na kanyang katrabaho sa Eat Bulaga, ganoon din ang sabi ni Kaladkaren, “Deserb!!!! Galeng”. Marami din ang nag congrats at pumuri sa bata at kay Paolo. Naroon si Pokwang, Maja Salvador, DJ Loonyo, Mariz Umali at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)


Hindi lingid sa atin na ang anak ni Paolo ay talaga ngang maganda din at tila minana ang kagandahan sa kanyang ina na si Katrina Nevada na inihalo pa ang kagandahang lalaki ni Paolo.




Credit: @pochoy_29 on Instagram

Hiwalay man sina Paolo at Katrina ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang kanilang tungkulin bilang mga magulang kay Keira Claire. Pinapakita pa rin nilang lagi na kahit hiwalay sila ay maari paring maging buo ang kanilang anak dahil pinapamalas naman ng dalawa ang pagmamahal nila dito.


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Tunay na hindi matatawaran ang isang dedikasyon sa nang mga magulang para itaguyod lamang ang isang anak. Kung kaya ang ganitong mga tagumpay na naabot ng anak ay parang naaabot na din ng kanilang mga magulang.

Congratulation sa buong pamilya!

The post Paolo Ballesteros, proud na proud sa kanyang napakaganda at napakatalinong anak na si Keira Claire dahil sa pagiging 1st honor nito sa klase appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments