Aktres na si Elisse Joson, ibanahagi ang kanilang masayang bonding moments ng kanyang anak na si Baby Felize Mckenzie

Hindi maitatanggi na ang hatid na kakyutan at maamong mukha ng mga cute babies ang isa sa talagang pumapawi sa ating lungkot at pagod, kung kaya’t sila ay madalas na ating tinatawag na “happy pill” dahil sa kanilang hatid na mga ngiti ay tiyak na magiging masaya at buo ang araw natin.

Credi: @elissejosonn instagram

At kung umaapaw na kakyutan lang rin naman ang pag-uusapan, ay tila muli na namang naghatid ng tuwa at saya sa online world ang napaka-cute na si Baby Felize Mckenzie, na anak at panganay ng celebrity couple na sina McCoy De Leon at Elisse Joson.

Credit: @elissejosonn instagram

Sa pagdating nga ni Baby Felize ay dito rin tila nadagdagan ang mga mga kinagigiliwang celebrity babies ngayon sa showbiz. Kaya naman ganoon na lamang ang walang katumbas na kaligayahan ang hatid nito, hindi lamang sa kaniyang mga magulang na sina Elisse at McCoy kundi pati na rin sa kanilang mga tagahanga.

At dahil 7 months old na ito, ay mas lalong naging masaya ang kanilang pamilya dahil sa bawat bonding moments, ay makikita rin ang mga nakakatuwang reaksyon ni Baby Felize, na talaga namang kahit sino ay matutuwa at panggigilan ang kanyang natatanging kakyutan.

Credit: @elissejosonn instagram

Isa na nga sa mga patunay nito ay ang “A day with Felize” video na ibinahagi ni Elisse sa kanyang Instagram account, na kung saan ay kanyang ipinasilip ang kanilang masayang bonding moments ng kanyang anak.

Sa video ay makikita na ang mag-ina ay hindi lamang nagkakasundo sa maraming bagay, kundi pati na rin sa pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas ay talaga namang hindi rin magpapahuli ang dalawa.

Credit: @elissejosonn instagram

Bukod pa diyan, ay makikita rin ang isang video na kung saan ay enjoy na enjoy naman si Elisse na minamasahe ang likod ng kanyang anak, at kasabay nito ang pagpapakitang gilas rin sa pagtayo ni Baby Felize sa harapan ng kanyang Mommy.

Tunay ngang hindi lamang happy baby si Felize, dahil maliban sa kanyang taglay na kakyutan at pagiging masayahing bata, ay taglay nya rin ang pagiging isang malambing na anak, matapos nitong yakapin at humiga sa balikat ng kanyang Mommy Elisse.

Credit: @elissejosonn instagram

Ika-31 ng Oktubre ngayong taon ng inanunsyo nina McCoy at Elisse ang kanilang pagkakaroon ng isang maganda at napakabait na baby, matapos silang maimbitahan sa reality game show na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Nagsimulang umusbong ang kanilang tambalang McLisse, ng sila ay parehong maging housemates sa PBB Lucky Season 7 noong taong 2016. At mula sa pagiging housemates ni “Kuya”, ay nauwi rin sa isang tunay at masayang relasyon ang kanilang pagsasama.

The post Aktres na si Elisse Joson, ibanahagi ang kanilang masayang bonding moments ng kanyang anak na si Baby Felize Mckenzie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments