Nadine Samonte, ipinakita kung gaano kasabik ang kanyang mga anak na makita ang kanilang bunsong kapatid na si baby Harmony

Walang pagsidlan ng tuwa ang aktres na si Nadine Samonte at kanyang asawa na si Richard Chua dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Panginoon. Ang ilang buwan na paghihintay sa malusog at maayos na panganganak ni Nadine sa kanilang ikatlong anak ay nabigyan na nga ng katuparan.


Credit: @nadinesamonte on Instagram

Nito lamang nakaraang Linggo, November 28 ay naisilang na ni Nadine ang kanilang napakalusog at napakagandang baby girl na si Baby Harmony Saige Chua sa Manila Doctors Hospital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)


Sa ibinahaging video ng celebrity mom sa Instagram kasama ang asawa na si Richard at panganay na si Heather, ay makikitang siya at si Baby Harmony ay sinalubong ng mag-ama ng isang malawak na ngiti at mahigpit na yakap, matapos ang ilang linggo na kanyang pananatili sa 0spital.


Credit: @nadinesamonte on Instagram

Aniya, “First time nila makita at makilala si Harmony ang saya saya ng puso ko. Salamat sa asawa ko, mga anak ko at mga ate ko , Salamat”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)


At sa kanyang pag-uwi sa kanilang tahanan, ay siya namang pagsalubong rin sa kanila ng kaniyang bunsong anak na si Austin, na sinamahan pa ng isang welcome home banner na may katagang, “Welcome Home Mommy and Baby Harmony”.




Credit: @nadinesamonte on Instagram

Tila nag-uumapaw nga ang saya at pagmamahal ng kanilang pamilya, lalong-lalo na ang dalawang anak nina Nadine at Richard na labis na nagpakita ng kanilang tuwa at galak, matapos masilayan ang kanilang kapatid na si Baby Harmony.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)


Dagdag pa ni Nadine, “So happy to be home. Our first family picture with Harmony. Love you my fam @rboy_chua”.

Samantala, pinasalamatan naman ng aktres ang lahat ng tumul0ng sa kanyang panganganak, kasama na rito ang kanyang mga doctor at nurses na labis na umalalay at nag-alaga sa kanya, sa loob ng ilang araw ar linggo na kanyang pananatili sa ospital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)


“I would like to thank my Ob Dra. Sua-Lao for everything . I can say she is the best doctor talga napaka talino at maalaga sobra. Without you wala akong Heather, Titus and Harmony. Ginagamit ka talga ni Lord to help me and other mommies out there. I will always be thankful. Grabe ang journey ng third ko pero we surv!ved” laking pasasalamat ng aktres.


Credit: @nadinesamonte on Instagram

Ayon pa sa kanya, “Thank you also to Dra. Sua for taking care of Harmony and to all the nurses and doctors thank you Manila Doctors Hospital will always have a special place in my heart, you guys are the best”.

The post Nadine Samonte, ipinakita kung gaano kasabik ang kanyang mga anak na makita ang kanilang bunsong kapatid na si baby Harmony appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments